Sino sino ba ang nararapat tumanggap ng Death Benefit ng isang SSS Member?
Bilang miyembro ng Social Security System o SSS, importanteng updated ang record mo maging ng iyong mga beneficiaries. Importante ang impormasyong ito, dahil ang mga beneficiaries ang siyang makikinabang sa benipisyo ng miyembro kung sakaling mamatay ito.
Sa ilalim ng policy at guidelines ng SSS, may sinusunod na order of priority kung beneficiaries ang pag-uusapan. Sa Order of Priority bina-base ng SSS ang desisyon kung sino ang legal na benepisyaryo ng miyembro.
Related Articles:
- How to Update my SSS Beneficiaries?
- How to Create SSS Online Account?
- How to Reset Access to SSS Online Account?
- What are the requirements for SSS Death Benefit?
- How to Apply for SSS Funeral Benefit?
Sinu-sino ang mga beneficiaries ng namatay na SSS member ang nararapat na tumanggap ng death benefits?
May tinatawag na hierarchy of beneficiaries ang SSS.
1. Primary Beneficiaries
- Legal na asawa, hanggang sa siya ay mag-asawang muli
- Lehitimo, legal na inampon o ilehitimong anak ng miyembro na hindi pa umabot sa 21-anyos
- Kung lagpas sa 21-anyos, siya ay may kapansanan at walang kakayahang suportahan ang sarili dahil sa pisikal o mental disability na taglay simula simula pagkabata o nakuha noong ito ay bata pa.
2. Secondary Beneficiaries
Mga magulang ng miyembro — madalas, sila ang beneficiaries ng mga single na SSS members na walang anak.
3. Designated Beneficiaries
Para sa mga single na walang anak at wala na ring mga magulang, maari silang mag-talaga ng designated beneficiaries. Maaaring italaga bilang designated beneficiaries ng isang SSS member ang mga taong malapit sa buhay nito, na maaring kamag-anak o malapit na kaibigan.
4. Legal Heirs
Kung walang itinalagang benepisyaryo, ang benepisyo ay mapupunta sa kanyang legal na tagapagmana nang naayon sa Law of Succession sa ilalim ng Civil Code of the Philippines.
Ano ang benipisyong matatanggap ng mga SSS beneficiaries?
Kung ang namatay na miyembro ay nakapaghulog ng 36 buwang kontribusyon bago ang semester ng kanyang pagkamatay, makakatanggap ng death pension ang kanyang primary beneficiaries.
Ang legal na asawa ay makakatanggap ng panghabambuhay na monthly death pension hangga’t hindi ito nag-aasawang muli.
Ang halaga ng matatanggap ng benepisyaryo ay depende sa halaga ng naihulog ng miyembro pati na rin ang kanyang Credited Years of Service (CYS).
Makatatanggap din ng dependent’s pension ang mga menor de edad na anak ng namatay na miyembro katumbas ng 10% ng monthly pension o kaya naman P250, alinman ang mas mataas. Ang benepisyong ito ay para lamang sa limang dependent children. Kung sakaling mayroong lehitimo at ilehitimong anak ang namatay na miyembro, mas binibigyang prayoridad ang lehitimo na anak.
Kung walang primary beneficiary ang miyembrong namatay, lumpsum naman ang matatanggap ng kanyang secondary, designated o legal heirs.
Para naman sa mga miyembrong namatay ng wala pang 36 buwan ang naihulog na kontribusyon, ang kanyang primary, secondary, designated o legal heirs ay makatatanggap ng lump sum benefit.
Walang substitution na pinapayagan.
Magkano naman ang tatanggaping pension ng mga beneficiaries?
Ang minimum na buwanang Death Pension ay P1,000 kung ang miyembro ay mayroong mas mababa sa sampung (10) Credited Years of Service (CYS); P1,200 kung may hindi bababa sa sampu (10 CYS); at P2,400 kung may hindi bababa sa dalawampu (20) CYS.
May P1,000 na additional benefit, epektibo noong Enero 2017.