Ang mga pensioner na tumatanggap ng pension sa pamamagitan ng tseke ay pinapayuhang pensional na mag-apply ng pension loan sa pinakamalapit na SSS Branch.
Amount of Pension Loan
Maari kayong mag apply ng Pension Loan hanggang sa maximum na P200,000 na maaring bayaran sa loob ng 6,12,24 na buwan, na may 10% interet rate kada taon, kahit nasa loob lamang kayo ng inyong tahanan.
Step by Step Guide on How to Apply for SSS Pension Loan Online
1. Mag-login sa iyong SSS Online Account
2. I-click ang E-Services Tab at piliin ang Apply for Pension Loan
3. Piliin ang nais na Pension Loan Amount mula sa mga naka display na computations sa pamamagitan ng pag-click sa Submit button sa ilalim ng napiling computation
4. I-check ang lahat ng detaly ng inyong application, pagkatapos ay iclick nag maliit na box sa ibabang kaliwang bahagi ng Acknowledgement Authorization and Agreement box screen. Ibig sabihin nito ay sumasang-ayon kayo sa halaga ng Pension Loan na nakasaad sa Disclosure Statement, sa pagbawas ng buwanang amortisasyon mula sa inyong pension, at sa Terms and Conditions ng Pension Loan Program.
5. I-click ang Disclosure Statement at mag download o mag print ng kopya nito.
6. Isara ang Disclosure Statemetn page para ma activate ang Submit Pension Loan button. I-click ang Submit Pension Loan.
7. Pagkatapos mai-submit ang aplikasyon, makatatanggap ng nopikasyon na matagumpay na naisumite ang inyong application.
8. Isang email notification na naglalaaman ng mga detalye ng inyong Pension Loan application ang ipapadala sa inyong registered email address.
Matatanggap ang inyong loan proceeds sa loob ng 5 working days sa pamamagitan ng inyong Savings Account; ayon sa sumusnod na order ng priority:
Valid SSS UMID Card na naka enroll bilang ATM Card;
Valid UBP Card QuickCard na naka-rehistro ang savings account sa SSS;
Valid Pension Savings Account sa PESONet-participating bank na naka-enroll sa SSS (kapag na-implement na ang PESONet Payment Facility para sa Pension Loan Program)