Summary of SSS Benefits and Qualifications

Summary of SSS Benefits -

Isang layunin ng SSS ay makaapag bigay ng tulong sa mga private employees at kanilang mga beneficiaries sa panahong hindi kaya ng miyembro na makapag trabaho at kumita ng pera- panahon ng panganganak, kasakitan, pagka lumpo, katandaan o kamatayan. Ituring natin na ang SSS ay isang insurance program na itinalaga ng gobyero para sa mga nagtata trabaho sa pribadong sektor at mga boluntaryong miyembrong SSS.

Subscribe and be updated with SSS Related News and Articles

* indicates required

Ano nga ba ang benepisyo na maaring tanggapin ng isang SSS member?

  1. Sickness Benefit
    Summary of SSS Benefits - Sickness
    Ang SSS Sickness Benefit ay daily cash allowance na binibigay ng SSS para sa bilang ng araw na ang miyembro ay di nakapagtrabaho dahil sa sakit o aksidente.
    Qualification para ma avail ang sickness benefit:
    1. Ang miyembro ay hindi nakapag trabaho dahil sa sakit o aksidente, na confine sa ospital o sa bahay na di bababa sa apat (4) na araw;
    2. Ang miyembro ay nakapagbayad ng at least tatlong (3) contribution sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng pagkakasakit o aksidente.
    3. Nagamit na ang lahat ng sickleave na ibinigay ng kompanyang pinagta trabahuhan,
    4. Na inotify ng miyembro sa employer ang pagkaka sakit o aksidente sa pamamagitan ng pagpapasa ng SSS sickness benefit application. Kung ang miyembro ay voluntary o self employed, ang sickness notification ay dapat naisumite sa SSS.
  2. Maternity Benefit
    Summary of SSS Benefits - Maternity
    Ang SSS Matenity benefit ay isang daily cash allowance na ibinibigay sa mga babaeng miyembro na hindi makapagtrabaho dahil sa panganganak o pagka kunan.Qualification para ma avail ang SSS Maternity Benefit:
    1. Ang miyembro ay nakapag hulog ng at least 3 months sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng panganganak o pagka kunan.
    2. Nakapag sumite ng maternity notification ng kanyang pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng Employer, kung may trabaho; o nakapag sumite ng maternity notification direkta sa SSS kung self employed o voluntary SSS member.
  3. Disability Benefit
    Summary of SSS Benefits - Disability
    Ang Disability benefit ay isang cash allowance na ibinibigay na maaring pension o lumpsum – sa isang miyembro na naging permanenteng disabled – isang bahagi man ng katawan o buong katawan.Qualification para maka avail ng SSS Disability benefit:
    * Ang miyembro na nakaranas ng partial o total disability ay dapat may at least isang hulog sa SSS bago ang semester ng pagkaparalisa.
  4. Retirement Benefit
    Summary of SSS Benefits - Retirement
    Ang Retirement Benefit ay isang cash benefit na ibinibigay ng SSS sa mga miyembrong hindi na makapag trabaho dahil sa katandaan. Ang Retirement Benefit ay maaring pension o lumpsum.
    Qualification para makakuha ng Retirement Benefit:
    * Ang miyembro ay 60 years old na, at hindi na nagta trabaho o tumigil nang magtabaho bilang self employed at may hulog na di bababa sa 120 months na contribution bago ang semester ng retirement
    * Ang miyembro ay 65 years old na, nagtatrabaho pa o hindi na, at nakapag hulog ng di bababa sa 120 buwan na contribution bago ang semester ng retirement.
  5. Death Benefit
    Summary of SSS Benefits - Death Benefit
    Ang death benefit ay isang cash benefit na ibinibibay bilang pension o lump sum sa mga beneficiary ng namayapang miyembro.
    Ang primary beneficiaries na itinuturing ay ang legal na asawa, anak (legitimate o illegitimate na wala pang 21 years old). Kung walang primary beneficiaries ang miyembro, ang secondary beneficiaries o ang magulang ng miyembro ang pagbibigyan ng lump sum.Qualification para makakuha ng Death Benefit:
    * Para sa Pension – ang namayapang miyembro ay may hulog na di bababa sa 36 buwan bago ang semester ng pagkamatay
    * Para sa Lumpsum – ibinibigay sa primary beneficiaries kung ang miyembro ay may hulog na di umabot ng 36 buwan bago ang semester ng pagkamatay. Kung walang primary beneficiary ang miyembro, automatic na lump sum ang ibibigay sa secondary beneficiaries.
  6. Funeral Benefit
    Summary of SSS Benefits - Funeral Benefit
    Ang funeral benefit ay cash benefit na nagkakahalaga mula P20,000 hanggang P40,000 at ibinibigay sa kung sino ang gumastos sa burol at pagpapalibing ng namayapang miyembro o pensioner.
    Qualificiation para makakuha ng Funeral Benefit:
    * Para sa self employed/ non working spouse o OFW Member – ang namatay na miyembro ay nakapaghulog ng kahit isang (1) contribution para maqualify ang kanyang beneficiaries sa funeral benefit
    * Para sa mga miyembrong nagta trabaho at natigil sa pagta trabaho- ang namatay na miyembro ay dapat na ireport ng kanyang employer as covered employee, kahit wala pang hulog na naibayad sa SSS.
  7. Salary Loan
    Summary of SSS Benefits - Salary Loan
    Programang pagpapa utang ng SSS sa mga miyembrong may trabaho, kasalukuyang nagbabayad na miyembro. Layunin ng programang ito na makatulong sa panandaliang pinansyal na pangangailangan ng miyembro.
    Qualification para makapag loan:
    Ang miyembro ay dapat may anim na posted na contribution sa loob ng 12 buwan bago ang buwan ng pagsusumite ng loan application.
    Ang miyembro ay dapat ay nakapaghulog na ng di bababa sa 36 buwan na contribution.

35 Comments on "Summary of SSS Benefits and Qualifications"

  1. How much my sallary loan balance?

  2. How mutch my sallary loan balance?

  3. How mutch my sallary loan balance?

  4. For Contribution details and laon balance please.thank you very much! God bless..

  5. 22months palang po nahulugan ang sss ko. 8years ago baby ko 4yrs old ang 6months hindi po ba ako makakakuha ng maternity?

  6. How to get my loan voucher at sss online in my mobile phone?

  7. Pag nag file ba ng maternity loan ilang araw ba o buwan makukuha

  8. Please email me my recent SSS Number.i have it at PureGold Santa Rosa.

  9. Erwin B. Morillo | February 27, 2018 at 1:04 am | Reply

    Mgkano na po kea controbution ngaun?

  10. vivian P. Antipolo | March 5, 2018 at 1:16 am | Reply

    Naraspa po ako last friday due to continuous bleeding kc nasa memopausal stage na po ako.
    how can i avail the maternity benifit. Ako po naghuhulog ng voluntary cont.
    thanks po and God bless!

  11. May makukuha po ba ang naoperahan tulad ng total hysterectomy ang mga tulad ko? Partial disability po ba masasabi iyon?

  12. Virginia g. Anido | March 9, 2018 at 3:01 pm | Reply

    I’m 60y/o now may i know how many more contribution do i need to pay before i can my retirement

  13. Ask ko lng po pag magdagdag ng contribution automatic na po ba na counted na yon or rather valid na po sya w/ out any form na pil apan . Salamat po

  14. jolly mie casal | March 14, 2018 at 2:16 pm | Reply

    Ask lng po kpg voluntary po ba konti lng talaga angmkukuha

  15. michelle dela trinidad | March 19, 2018 at 3:39 am | Reply

    Ask ko lng po pwede po ba hindi na padaanin sa employer ko pag nag file ng maternity ako na lng mismo ang mag aasikaso thanks po Godbless

  16. emmanuel f. santilices | March 23, 2018 at 12:46 am | Reply

    sa condonation Program 2018 april puede po ba ang year 1999 pa na Loan?

  17. Joey S. Erellana | March 28, 2018 at 2:50 am | Reply

    hi! good morning po! pwede ba akong makahingi nang print out copy sa aking remittance sa mga natrabahohan ko? salamat po!

  18. Mark anthony predas | April 2, 2018 at 7:49 am | Reply

    Gsto ko sana malaman kung paanu mg inquire sa sss kung mgkanu na ang inabot ng loan ko nkpgloan ako dti ilang taon na lumipas ar hndi ko nabayaran ang loan ko ngaun gsto ko mbyran un at pra magpatuloy sa pghulog ng sss ko

  19. Hello ..ask ko lang kasi namatay yong asawa ko last augost 27 2017…nandito ako sa saudi arabia hindi makuha ng mga anak ko ang lumpsum dahil hinahanap ako…sabi ng mga anak ko sila man daw ang benifiary ng tatay nila bakit hindi sila pwedi mag claim….thanks

  20. Hermie Palis | April 6, 2018 at 3:39 pm | Reply

    Is slipped disc a partial disability?

  21. Maricel Guan | April 9, 2018 at 11:39 am | Reply

    may housing loan ba ang SSS?

  22. may benefit po ba ang nirecommend ng dra. na mgbedrest dahil sa maselan na pagbubuntis?

  23. Paano po check ung sss acct ko po kc matgal po ako ndi nghulog paano po mkikta salamat po

  24. elsie cardil | April 20, 2018 at 5:23 am | Reply

    pwede n po ba ako magloan? at magkano po ang makukuha?

  25. .junaide z. escribano | April 21, 2018 at 8:12 am | Reply

    ako po ay dating ofw na may 214 moa. na contributio, nula nung 2014 di na mi makaalis uli at dahil dito akoy biglang nanghina at maraming nakapagsabi na namild stroke daw ako, nagtungo po ako sa fairview hospital ang sabi sa akin magpa mri daw ako at dahil sa kakulangan sa budget di ko po ito napagawa, naisipan kung magfile na lang sa sss ng partial dis ability kahit wala po akong doctor’s certificate, pupwede po ba iyon na ang doctor na lang ng ss ang mag certify? sana mapayuhan nyo po ako ar ma enjoy ko ang benefits bago ako bawian ng buhay. oaki reply lang po kung ano po ang maganda kung gawin. maramimg salamat.

  26. ace dela paz | May 15, 2018 at 4:57 am | Reply

    ask ko lang po kung may makukuwa pa po bang death claim ang beneficiary kapag ang isang membero ng sss ay nagretirements na sss at namatay ???? slamat po sa papansin

  27. napakanda talaga kapag mayroon kang SSS sapagkat maaasahan mo talaga ito lalo na sa mga biglaang pangangailangan.

  28. Pwede po ba malaman ang status ng retirement pension and advance lumpsum ko ng file ako last April 16, 2018 hanga ngayon wala pa din

  29. Tinanggal po ang kaliwang Ovary Dahils sa cysts. Nakakuha po ako ng benefits galing sa sss. Pero may nagsabi sa akin na pwede ako makakuha ako ng dissability benefits. Nung pumunta ako sa office nagtanong po ako at binigyan lang po ako ng sickness notification katulad ng form na ibinigay ng aking kumpanya. Ang tanong ko po kung puwede po ako makakuha ng dissabity benefits galing sa sss. Kahit isang taon na po ako naoperahan.

  30. jay-ann morgado | June 2, 2018 at 5:15 am | Reply

    ang case po ng tatay q ay 10 months lng xa nkapaghulog ng contribution ano po ang ang maari nyang matatnngap na benefits?

  31. HERNAN HEGUIRA | June 15, 2018 at 5:01 am | Reply

    NAG FILE PO AKO NG SSS UMID ID LAST MAY 2017 HANGGANG NGAYON 2018 HINDI PA RIN NA RECEIVE KO ANG ID

  32. reychell urbano | June 19, 2018 at 8:33 am | Reply

    nagfile po ako ng maternity reimbursement 2 mos mahigit na po ang nkakalipas di parin dumadating ang mat 2 ko na advancw na po ng company ang mat 1 ko,na submit ko na rin po lhat ng kailangan documents pls..paki update naman po ako sa mat 2 ko..

  33. naopera po ako total hysterectomy last May 13,2018 makakapag claim po ba ako ng disability.ang huling hulog ko po sa SSS ay 2010 pa.kahit 8 years ng hindi nakapag hulog makakapag claim pa ba ako?

  34. mag pa opera ako sa gaddblader ngayon buwan ang total month ko ay 213 month ang tanong ko makakapag claim po ako

  35. Gudpm po .. tanong ko lang po ..
    Ano po ang dapat kung gawin para makuha ko po ang maternity reinbursement ang kaso po yung agency ko dati hindi pala hinuhulugan yung sss ko.. pero kinakaltasan ako sa sahod ko 5months po ako nagwork na endo po ako
    Last 2010 pa po yun..may work po ako 2010-2011..
    Pinanganak ko ang anak ko nung 2011..
    Makukuha ko pb yung maternity benefits ko??
    Reply po salamat..

Leave a comment

Your email address will not be published.


*