BENEFITS

Simulated Retirement Benefit Calculator

Naglalaro po ba sa isip nyo kung magkano ang magiging pension nyo sa panahon na kayo na ay nag-retire? Good news! May Simulated Retirement Calculator na makikita sa inyong SSS Online Account kung saan ilalatag ang theoretical computation ng inyong magiging benepisyo base sa inyong hulog at ihuhulog pa sa darating na taon.

Para makita ang inyong Retirement Calculator

1. Itype ang www.sss.gov.ph sa inyong address bar. I-login ang inyong username at password sa kaliwang bahagi ng pahina.

Related Articles:

2. Kung ikaw ay matagumpay na naka log in sa iyong SSS Online Account. May makikita kang menu sa bandang gitna ng iyong pahina. I click ang E-SERVICES at i-hover ang mouse sa Simulated Retirement Calculator.

3. Lalabas sa pahina ang Simulated Retirement Calculator kung saan makikita mo ang bilang ng iyont Total Posted Contributions, at kung magkano ang iyong huling nahulog. Depende sa iyong edad, makikita mo ang breakdown ng iyong maaring maging benepisyo.

Halimbawa. Si JUANA DELA CRUZ ay nakapaghulog ng 204 na buwan at may huling kontribusyon na 1,760. Tandaan na ang huling limang taong hulog ng miyembro ang pinagbabasehan ng computation para sa Retirement benefit.

Si JUANA DELA CRUZ ay 58 taon na at dalawang taon na lamang ang kanyang bubunuin, nakalatag na ang kanyang maaring maging benepisyo kapag siya ay naging 60 at 65 taon na. Ang SSS member ay may maaring mag retire sa edad na 60 (optional) at 65 (technical).

4.  Maaring iprint ng miyembro ang kanyang Simulated Retirement Benefit. Tandaan ang disclaimer na “ang na compute na halaga ng retirement benefit ay estimate lamang at maaring maging iba pa sa actual na benepit na maaring makuha”.

Kayo ba ay malapit nang magretiro ngunit may outstanding loan pa sa SSS? Maari po kayong mag-apply ng SSS Loan Condonation na hanggang April 27, 2017! Eto po ang article kung paano mag apply ng SSS Loan Condonation.

sssinquiries_administrat0r

View Comments

  • May tanong lang po ako tungkol sa dagdag 1000 sa pension, ito po bay isinama ba sa 18 months lumpsum na matatanggap ko? Thanks

  • Mag tatanong lang. Ang premiums ko was always maximum magmula nang nagging meyembro ako ng SSS. Nag voluntary contribution ako nung nag resign ako sa private company hanggang naabot ko ang 10 years. Ang kasalukuyang pension ko ay 2,400 plus ang 1000 na increase. Tama po ba ito.

  • Maam sir ask k lng kung paano mag inquire ng sss contribution true online salmat po....

    • Hi punta ka sa http://www.sss.gov.ph tapos magregister ka. e fill up mo ang required information. tapos mag e email sa iyo ang SSS to confirm your account saka ka magseset ng password for your account.

  • Kailangan ba 60 na ako mag file ng sss pension ko or 59 palang ako aayusin ako mag file na sko ng pension tagal ksi process kung ano ano kc hinihinging requirements. PKI SAGUT LANG PO TY....

  • May tanong po ako tungkol sa sickness benefit kc po nagpa opera po ako ng tuhod nung 2015 at nung 2016 naman po naoperahan nmn po ako sa kamay.nag file po ako ng 2015 sa SSS binondo at nakasakay na ulit ako sa barko ala pa ring balita dun sa ifinile kng sickness benefits kumpleto nmn papeles ko.2016 nag file ulit ako sa same office binondo branch double na file ko dhil sa carpal tunnel na inopera sa kamay ko.pinabalik balik ako ng dalawang personel ng binondo branch gang nakasampa na ulit ko at nka uwi hanggang ngayon ala pa ring nakukuhang benefits dyan sa SSS kumpleto nmn hulog ng kumpanya ko sa SSS BKT ganon ang nangyari ala pa rin kng nakuhang benefits mula sa inyng opisina.pls reply bck k

  • hindi naman yata totoo eh..., wala naman sa E-Services tab yung Simulated Retirement Calculator...., bakit ganun??? SSS please explain. . .

  • My tanong lng po ako kasi hindi ko na po maalala kung kailan ang huling buwan na nahulugaan ang sss ko ng trabahong pinapasukan ko dati

  • good day p, ask ko lang po yung sa nakasaad na kailangan nakapaghulog ng 120monthly contribution prior to the semester of retirement. ibig po ba sabihin nun ung 59yrs old 120months backwards ang dapat na may hulog? or kahit po kunyari from 20yrs old to 35yrs old eh nkamore than 120months na then biglang nagstop na makahulog eh hindi na po ba yun qualified for pension? please reply po, salamat..

  • If may naiwan po me n loan nung 2009..mga 15k po un..how much n po kaya ung penalty nun. Tnx po

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

4 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

9 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

9 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

9 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

12 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

12 months ago