FUNERAL

Summary of SSS Benefits and Qualifications

Isang layunin ng SSS ay makaapag bigay ng tulong sa mga private employees at kanilang mga beneficiaries sa panahong hindi kaya ng miyembro na makapag trabaho at kumita ng pera- panahon ng panganganak, kasakitan, pagka lumpo, katandaan o kamatayan. Ituring natin na ang SSS ay isang insurance program na itinalaga ng gobyero para sa mga nagtata trabaho sa pribadong sektor at mga boluntaryong miyembrong SSS.

Ano nga ba ang benepisyo na maaring tanggapin ng isang SSS member?

  1. Sickness Benefit

    Ang SSS Sickness Benefit ay daily cash allowance na binibigay ng SSS para sa bilang ng araw na ang miyembro ay di nakapagtrabaho dahil sa sakit o aksidente.
    Qualification para ma avail ang sickness benefit:
    1. Ang miyembro ay hindi nakapag trabaho dahil sa sakit o aksidente, na confine sa ospital o sa bahay na di bababa sa apat (4) na araw;
    2. Ang miyembro ay nakapagbayad ng at least tatlong (3) contribution sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng pagkakasakit o aksidente.
    3. Nagamit na ang lahat ng sickleave na ibinigay ng kompanyang pinagta trabahuhan,
    4. Na inotify ng miyembro sa employer ang pagkaka sakit o aksidente sa pamamagitan ng pagpapasa ng SSS sickness benefit application. Kung ang miyembro ay voluntary o self employed, ang sickness notification ay dapat naisumite sa SSS.
  2. Maternity Benefit

    Ang SSS Matenity benefit ay isang daily cash allowance na ibinibigay sa mga babaeng miyembro na hindi makapagtrabaho dahil sa panganganak o pagka kunan.Qualification para ma avail ang SSS Maternity Benefit:
    1. Ang miyembro ay nakapag hulog ng at least 3 months sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng panganganak o pagka kunan.
    2. Nakapag sumite ng maternity notification ng kanyang pagbubuntis sa SSS sa pamamagitan ng Employer, kung may trabaho; o nakapag sumite ng maternity notification direkta sa SSS kung self employed o voluntary SSS member.
  3. Disability Benefit

    Ang Disability benefit ay isang cash allowance na ibinibigay na maaring pension o lumpsum – sa isang miyembro na naging permanenteng disabled – isang bahagi man ng katawan o buong katawan.Qualification para maka avail ng SSS Disability benefit:
    * Ang miyembro na nakaranas ng partial o total disability ay dapat may at least isang hulog sa SSS bago ang semester ng pagkaparalisa.
  4. Retirement Benefit

    Ang Retirement Benefit ay isang cash benefit na ibinibigay ng SSS sa mga miyembrong hindi na makapag trabaho dahil sa katandaan. Ang Retirement Benefit ay maaring pension o lumpsum.
    Qualification para makakuha ng Retirement Benefit:
    * Ang miyembro ay 60 years old na, at hindi na nagta trabaho o tumigil nang magtabaho bilang self employed at may hulog na di bababa sa 120 months na contribution bago ang semester ng retirement
    * Ang miyembro ay 65 years old na, nagtatrabaho pa o hindi na, at nakapag hulog ng di bababa sa 120 buwan na contribution bago ang semester ng retirement.
  5. Death Benefit

    Ang death benefit ay isang cash benefit na ibinibibay bilang pension o lump sum sa mga beneficiary ng namayapang miyembro.
    Ang primary beneficiaries na itinuturing ay ang legal na asawa, anak (legitimate o illegitimate na wala pang 21 years old). Kung walang primary beneficiaries ang miyembro, ang secondary beneficiaries o ang magulang ng miyembro ang pagbibigyan ng lump sum.Qualification para makakuha ng Death Benefit:
    * Para sa Pension – ang namayapang miyembro ay may hulog na di bababa sa 36 buwan bago ang semester ng pagkamatay
    * Para sa Lumpsum – ibinibigay sa primary beneficiaries kung ang miyembro ay may hulog na di umabot ng 36 buwan bago ang semester ng pagkamatay. Kung walang primary beneficiary ang miyembro, automatic na lump sum ang ibibigay sa secondary beneficiaries.
  6. Funeral Benefit

    Ang funeral benefit ay cash benefit na nagkakahalaga mula P20,000 hanggang P40,000 at ibinibigay sa kung sino ang gumastos sa burol at pagpapalibing ng namayapang miyembro o pensioner.
    Qualificiation para makakuha ng Funeral Benefit:
    * Para sa self employed/ non working spouse o OFW Member – ang namatay na miyembro ay nakapaghulog ng kahit isang (1) contribution para maqualify ang kanyang beneficiaries sa funeral benefit
    * Para sa mga miyembrong nagta trabaho at natigil sa pagta trabaho- ang namatay na miyembro ay dapat na ireport ng kanyang employer as covered employee, kahit wala pang hulog na naibayad sa SSS.
  7. Salary Loan

    Programang pagpapa utang ng SSS sa mga miyembrong may trabaho, kasalukuyang nagbabayad na miyembro. Layunin ng programang ito na makatulong sa panandaliang pinansyal na pangangailangan ng miyembro.
    Qualification para makapag loan:
    Ang miyembro ay dapat may anim na posted na contribution sa loob ng 12 buwan bago ang buwan ng pagsusumite ng loan application.
    Ang miyembro ay dapat ay nakapaghulog na ng di bababa sa 36 buwan na contribution.
sssinquiries_administrat0r

View Comments

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

1 week ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

5 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

5 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

5 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

8 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

8 months ago