SSS Number Scheme 2021

SSS Number Coding in SSS Branches 2021

Ang pagtanggap ng transactions ng mga miyembro, employer o bisita sa SSS Branches ay magiging alinsunod sa itinalagang araw base sa huling numero ng kanilang SS Number/Employer (ER) ID Number, gaya ng nakasaad sa ibaba:

Subscribe and be updated with SSS Related News and Articles

* indicates required
Huling Numero ng SS/ER ID NumberItinalagang Araw para Mag-Transact
1 & 2LUNES
3 & 4MARTES
5 & 6MIYERKULES
7 & 8HUWEBES
9 & 0BIYERNES

Pero sa Funeral/Death Claims, ang SS Number ng miyembro ang pinagbabasehan ng number coding.

Papayagan lamang ang Walk in Transaction para sa mga sumusunod:

  1. Pagbabayad ng kontribusyon at utang;
  2. Pagtugon sa requirement ng SS Number Application gamit ang SSS Website (personal appearance)
  3. Pag pickup ng UMID Card;
  4. Pag present ng mga orihinal na dokument para sa claim application; at
  5. Iba pang mga katanggap-tanggap na dahilan

Paalala ng SSS:

Kung natapat sa holiday/piyesta opisyal ang itinalagang transaction day o sakaling nagkaron ng system downtime/offline:

  1. Ang branch ay magtatalaga ng appointment para sa miyembro/ER na naghihintay sa pila para sa susunod na araw na may trabaho; o
  2. Ang miyembro/ER ay maaring bumalik sa kanyang itinalagang transaction day sa susunod na linggo; o
  3. Ang miyembro/ER ay maaring manatili sa pila at maghintay upang bumalik sa operation/mag online ang system.

para sa iba pang transaction na hindi nabanggit, ang miyember/ER ay dapat magsumite ng kanyang documents sa itinalagang dropbox sa branch o kaya’y tumawag/mag-text/mag-email sa branch na pinaka-malapit sa kanilang tahanan o lugar na pinagtatrabahuhan para magpa-appointment.

Ang Number Coding system ay ipapatupad sa lahat ng NCR branches at mga piling branch sa Luzon, Visayas, Mindanao.

Narito ang mga SSS Transactions na maari mong magawa online:

Source: SSS Facebook Page