FUNERAL

SSS Maternity Notification, pwede na sa Text-SSS!

The Social Security System (SSS) has announced that voluntary and self-employed female members can now use the Text-SSS facility in submitting maternity notifications as part of its mandate to continuously provide better service.
SSS President and Chief Executive Emmanuel F. Dooc said that with the Text-SSS facility, individually-paying members have another way of notifying SSS about their pregnancy aside from the current practice of submitting maternity notifications directly to any SSS branch.

Para sa ating mga Self Employed at Voluntary SSS Members na babae, Good news po at binuksan na ang Text-SSS Facility para makapag sumite ng Maternity Notification sa SSS. Ang SSS Maternity Notification ay isang requirement ng SSS para ipaalam sa SSS ang iyong pagdadalang tao. Ang hindi pag nonotify sa SSS ay maaring maging dahilan para hindi ma qualify sa SSS Maternity Benefit.

Ang Maternity Notification sa pamamagitan ng Text SSS ay isang convenient na pamamaraan para sa ating mga ka-SSS Inquiries na nagdadalang tao. Ngunit ito ay para lamang sa mga Individually paying SSS members o yung mga Self Employed, Voluntary, OFW at Non working spouse member. Kung kayo po ay may trabaho, ang maternity notification ay sa pamamagitan pa rin ng inyong mga Employer.

Ang proof of pregnancy naman katulad ng Ultrasound, Pregnancy Test result ay maari nang isumite kapag ikaw ay nagsubbmit na ng Reimbursement for Maternity Benefit (ML-2).

Para makapag register sa Text-SSS, itype ang SSS REG <SS Number> <Date of Birth in MM/DD/YY Format> at isend sa 2600.

Example: SSS REG 031234567 01/01/80

Makaka tanggap ka ng message mula sa 2600 na naglalaman ng iyong PIN. Pag natanggap mo na ang iyong PIN, maari ka nang mag notify ng iyong pagbubuntis sa  SSS sa pamamagitan ng pagte-text sa ganitong format:

SSS MATERNITYNOTIF <SSNumber> <PIN> <Expected Delivery Date MM/DD/YYYY> <Total Number of Pregnancies (including this pregnancy)> at isend sa 2600.

Ang bawat text ay P2.50 sa Globe/ Touch Mobile at Smart Subscribers, samantalang P2.00 naman para sa Sun Cellular Subscribers. Ang miyembro ay makaka-receive ng confitirmation kapag natanggap na ng SSS ang notification.

Itago ang iyong PIN para sa iyong mga susunod na SSS Text service transaction.

Upang malaman ang ibang services na maari mong ma-avail sa pamamagitan ng Text SSS, maari mong makita ang listahan ng mga services sa article na ito. 

Ang maternity notification ay maari ring gawin sa SSS Website. Mag register lamang o mag log-in sa sa www.sss.gov.ph. Amg miyembro ay kailangan ding ilagay ang kanyang date of delivery, number of delivery at date ng last delivery or miscarriage.

sssinquiries_administrat0r

View Comments

  • Pano po pag 1year n kung d nkakahulog ..buntis po ako 5months na. Kht po b mag hulog lang aku ng atleast 3months my mkukuha pa po b ko???thankyou po

  • 4 months na po yung baby ko.Di po ako nakapag file ng sss maternity ko nung nagbubuntis ako.Pwede pa po ba akong mag file ng sss maternity kahit nakapanganak na ako?any answers naman po.thanks

  • I may ask for my maternity benefits. Nag voluntary po ko for 6months so it means 1980 po naihulog ko 330per month. When i go to sss again for my benefits they say 3K lang makukuha ko. Bakit po ganon? Sana inipon ko nalang yung inihulog ko at di nako nag aksaya pa ng pera pampazerox ng mga kailangan. Kaya nga po ako nagpunta sa SSS for my maternity para po makakuha ng pera kahit papano tapos 3K lang makukuha ko? Bat ganon!

  • Sir/ma'am, paano po kung last hulog po ay nung 2009 pa? 2007-2009 2 years pro hindi natuloy ng mga following years..May makukuha pa din po ba maternity benefits?

  • Hi 4 months pregnant po aq.. Nong 2 mnths pregnant aq ng stop na po aq sa pgttrbo. Kaya nd na po nahuhulogan ng employer ko dati.. Pwd bng ako nalng mghuhulog pra mkapag file aq maternity?

  • 8months pregnant na po aq , december palang nag file na po aq ng leave sa company namin , pinasa na din daw po nila mat 1 q sa sss nga po , nung nag leave po aq nung dec. hindi na po aq naghuhulog sa sss kasi ang sabi lang sakin ng employer q philhealth lang daw po hulugan q , may makukuha po ba aq sa mat 1 q ?

  • One week na akong nagtetext ng maternity notif d naman nagsesend lagi nalang response ng 2600 SERVICE IS UNAVAILABLE THIS PLEASE TRY AGAIN LATER lagi nalang ganyan

  • my particular months po b n limit kung hangang kelan k lng pde mg notify sa sss.. halimbawa po kung 6months n ung tummy ko pde pb mg notify? or bsta di k p na nganganak?

  • Nagfile na ko ng mat2 last may 18 2018 until now wala pa rin sa account ko ung maternity benefits ko.

  • hi.. may employer ka ba? kasi sila yan muna mgbabayad sayo ng benefits, then pgkapanganak mo dapat submit ka ng mga documents from the hospital na kung saan ka nanganak para mabayaran ng sss ang company mo. if employed ka or voluntary, after pgk panganak mo pa makukuha ung benefits dahil kelangan yung documents. For self employed or voluntary members visit nearest SSS branch near you para masagot lahat ng questions niyo po and para makakuha ka ng form para sa Maternity Reimbursement.

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

4 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

9 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

9 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

9 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

11 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

12 months ago