FUNERAL

SSS Maternity Benefit (Tagalog)

I. ANO ANG BENEPISYO SA PANGANGANAK?

Ito ay daily cash allowance na ipinagkakaloob sa isang babaeng miyembro na hindi nakapagtrabaho dahil sa panganganak o miscarriage.

Ang benepisyo sa panganganak ay maaaring ipagkaloob sa unang apat na kumpletong panganganak o miscarriage.

Ang ika-limang kumpletong panganganak o miscarriage ay hindi na babayaran kahit ang miyembro ay hindi nakakuha ng benepisyo sa panganganak sa kanyang unang apat na panganganak.

II. KWALIPIKASYON SA BENEPISYO SA PANGANGANAK

  • Kailangang nakapaghulog ang babaeng miyembro ng hindi kukulangin sa tatlong (3) buwanang kontribusyon sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng panganganak o miscarriage.
  • Siya ay nakapagbigay ng kaukulang notipikasyon ng kanyang pagbubunits sa kanyang employer kung siya ay nagtatrabaho o sa SSS kung siya ay separated sa trabaho, voluntary o self-employed.

Sa pagkakataon na natugunan ang required contributions, subalit hindi nakapagsumite ng Maternity Notification, ang SSS ay may sinusunod na 10 years prescriptive period para sa filing ng maternity benefit after ng inyong delivery date. Ito ay subject to existing guidelines and procedures.

III. MGA ALITUNTUNIN SA PAGPA-FILE NG BENEPISYO SA PANGANGANAK

Para sa mga empleyado at mga employers:

  • Kailangang ipaalam agad ng miyembro sa employer ang pagbubuntis gayundin ang posibleng petsa ng panganganak 60 araw mula sa petsa ng pagbubuntis sa pamamagitan ng SSS Maternity Notification Form kasama ang proof of pregnancy o katunayan ng pagbubuntis
  • Kailangan namang ipaalam agad ito ng employer sa SSS sa pamamagitan nang pagsusumite ng Maternity Notification at proof of pregnancy
  • Kung ang member employer ay isang registered user, kailangang isumite over the counter sa alinmang SSS branch ang notification o online sa pamamagitan ng SSS Website (http://www.sss.gov.ph).

Para sa mga nahiwalay sa trabaho, self-employed at voluntary members:

  • Direktang ipaalam sa SSS ang pagbubuntis.

IV. EPEKTO NG HINDI PAGBIBIGAY-ALAM SA SSS ANG PAGDADALANTAO NG BABAENG MIYEMBRO

Kapag hindi nakapagbigay-alam ang babaeng miyembro sa employer o sa SSS para sa mga unemployed, self-employed o voluntary members, ay maaaring maging dahilan upang ang benepisyo ay hindi maipagkaloob. 

V. PAANO MABABAYARAN ANG MIYEMBRO NG BENEPISYO SA PANGANGANAK?

Para sa mga employed member – ang benepisyo ay ipapauna ng employer sa empleyado nang buo, sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pag-file ng aplikasyon para sa maternity leave. Babayaran naman ng SSS ang employer ng kabuuang halaga ng benepisyo na ipinauna sa babaeng empleyado sa sandaling makapagpakita ng patunay ang employer na natanggap na ng empleyado ang benepisyo.

Kung ang kontribusyon ng miyembro na nanganak o nagkaroon ng miscarriage ay hindi nai-remit ng employer sa SSS, o hindi naipagbigay-alam ng employer sa SSS ang pagbubuntis ng empleyado, ang benepisyo na dapat matanggap ng empleyado ay babayaran ng employer.

Para sa mga nahiwalay sa trabaho/self-employed/voluntary members – ang halaga ng benepisyo ay direktang ibabayad ng buo sa miyembro.

VI. MAGKANO ANG BENEPISYO NA MAARING MATANGGAP SA BENEPISYO SA PANGANGANAK

Ang benepisyo sa panganganak ay katumbas ng 100% ng average daily salary credit ng babaeng miyembro para sa 60 araw kung normal delivery/miscarriage/ectopic pregnancy without operation/hydatidiform mole (H-mole) o 78 na araw kung caesarean section delivery/ectopic pregnancy with operation.

Para lubusang maintindihan kung magkano ang makukuhang benepisyo, maaring panuorin ang video mula sa Official Youtube Channel ng SSS.

VII. FORMS NA KAILANGAN SA PAGPA-FILE NG BENEPISYO SA PANGANGANAK

Para sa mga employed members:

  • Maternity Notification (MN) may tatak ng pangtanggap mual sa SSS bago ang panganganak o miscarriage o Maternity Notification Submission Confirmation kung ang notipikasyon ay isinumite sa SSS website o SSIT
  • Maternity Benefit Reimbursement Application (MBRA);
  • Filers SS card o alinman sa mga sumusunod na valid ID cards o dokumento:
    1. Primary ID cards o dokumento:
      • Social Security (SS) card
      • Unified Multi-Purpose ID (UMID) card
      • Passport
      • Professional Regulation Commission (PRC) card
      • Seaman’s Book (Seafarer’s Identification & Record Book)
    2. Secondary ID cards o dokumento:
      • Alien Certificate of Registration
      • ATM Card (na mayroong pangalan ng cardholder)
      • Bank Account Passbook
        Company ID card
      • Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous People (formerly Office of the Southern Cultural Community and Office of Northern Cultural Community)
      • Certificate of Licensure/Qualification Documents mula sa Maritime Industry Authority
      • Certificate of Naturalization
      • Credit card
      • Court Order granting petition for change of name or date of birth
      • Driver’s License
      • Firearm License mula sa Philippine National Police (PNP)
      • Fishworker’s License mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
      • Government Service Insurance System (card/Member’s Record/Certificate of Membership)
      • Health o Medical card
      • Home Development Mutual Fund (PAG-IBIG) Transaction Card/Member’s Data Form
      • ID card na mula sa Local Government Units (LGUs) (e.g.
      • Barangay/Municipality/City)
      • ID card mula sa professional association na kinikilala ng PRC
      • Life Insurance Policy of Member
      • Marriage Contract/Marriage Certificate
      • National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
      • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) card
      • Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) ID card/Member’s
      • Data Record
      • Police Clearance
      • Postal ID card
      • School ID card
      • Seafarer’s Registration Certificate mula sa Philippine Overseas
      • Employment Administration (POEA)
      • Senior citizen
      • Student permit mula sa Land Transportation Office (LTO)
      • Taxpayer’s Identification Number (TIN) card
      • Transcript of Records
      • Voter’s Identification card o Voter’s Affidavit/Certificate of Registration
  • Filed by Employer (Business/Household)
    Magprisinta ng isa (1) sa Employer’s primary ID cards/documents sa Item A o dalawang (2) secondary ID cards/documents sa Item B na parehong may lagda at kahit isa (1) na may litrato.
  • Filed by Company Representative
    Iprisinta ang Authorized Company Representative (ACR) Card o kung walang ACR Card (hindi available sa panahon ng pagsusumite) maaaring iprisinta ang mga sumusunod:
    • Letter of Authorization (LOA) na inisyu ng employer’s authorized signatory na makikita sa Employer Specimen Card (SS Form L-501); at
    • Original company ID ng company representative
  • Filed by Employer Representative
    • Letter of Authorization (LOA) na inisyu ng employer’s authorized signatory na makikita sa Employer Specimen Card (SS Form L-501); at
    • Original company ID ng employer representative

Para sa mg a miyembrong nahiwalay sa trabaho, magbigay ng alin man sa mga sumusunod:

  • Kung ang panganganak o pagkakunan ay naganap sa panahon na nagtatrabaho, sa loob ng anim (6) na buwan mula sa araw ng pagkakahiwalay sa trabaho – Certificate of Separation from employment na nagsasaad ng petsa kung kailan nahiwalay sa trabaho at nagpapahayag na walang nakuhang paunang bayad mula sa employer para sa maternity benefit.
  • Kung ang panganganak o pagkakunan ay lampas anim (6) na buwan mula sa araw ng pagkakahiwalay sa trabaho – Certificat of Separation from employment na nagsasaad ng petsa kung kailan nahiwalay sa trabaho
  • Kung may strike sa kumpanya – Notice of strike na kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) at notaryong affidavit na nagsasaad na ang miyembron ay walang nakuhang paunang bayad mula sa employer para sa maternity benefit.
  • Kung may nakabinbin na labor case – Certification from Department of Labor and Employment (DOLE) at notaryong affidavit na nagsasaad na ang miyembro ay walang nakuhang paunang bayad mula sa employer para sa maternity benefit.
  • Kung ang kumpanya ay sarado na o wala ng operasyon – Notaryong Affidavit of Separation from employment na nagsasaad ng dahilan at petsa ng pagkakahiwalay sa trabaho at naghahayag na walang nakuhang paunang bayad mula sa employer para sa maternity benefit.

Para sa Normal na Panganganak

  • Orihinal o kopya ng birth certificate ng bata na rehistrado sa Local Civil Registrar (LCR). Kung ang bata ay namatay o stillborn, rehistradong fetal death certificate.

Para sa Caesarean na Panganganak

  • Orihinal o kopya ng birth certificate ng bata na rehistrado sa Local Civil Registrar. Kung ang bata ay namatay o stillborn, rehistradong fetal death certificate.
    • Alinman sa mga sumusunod na dokumento na mula sa ospital na nakatala kung anong uri ng panganganak:
    Kopya ng Operating Room Record (ORR)
    Surgical Memorandum
    Discharge Summary Report
    Medical/Clinical Abstract
    Delivery report
    Detalye ng invoice na nagsasaad ng caesarean delivery charges, para sa mga caesarean na panganganak sa abroad

Para sa Complete Miscarriage

  • Obstetrical History na nagsasaad kung ilang panganganak na certified ng attending physician kasama ang Professional Medical License number, buong pangalan at lagda
    • Alin sa mga sumusunod na dokumento:
    Pregnancy test bago at pagkatapos ng miscarriage
    Ultrasound report bilang katibayan ng pagbubuntis
    Medical Certificate mula sa attending physician ukol sa kalagayan ng pagbubuntis

Para sa Incomplete Miscarriage

  • Obstetrical History na nagsasaad kung ilang panganganak na certified ng attending physician kasama ang Professional Medical License number, buong pangalan at lagda
    • Alinman sa mga sumusunod na dokumento:

ü Certified true copy ng hospital/medical record/s
ü Dilation & Curettage (D & C) report
ü Histopathological report
ü Pregnancy test bago at pagkatapos ng miscarriage
ü Ultrasound report bilang katibayan ng pagbubuntis

Para sa Ectopic Pregnancy

  • Obstetrical History na nagsasaad kung ilang panganganak na certified ng attending physician kasama ang Professional Medical License number, buong pangalan at lagda
    • Alinman sa mga sumusunod na dokumento:

ü Certified true copy ng hospital/medical record/s
ü Certified true copy of ORR
ü Histopathological report
ü Pregnancy test bago at pagkatapos ng miscarriage

Para sa Hydatidiform Mole (lahat ng mga sumusunod)

  • Obstetrical History na nagsasaad kung ilang panganganak na certified ng attending physician kasama ang Professional Medical License number, buong pangalan at lagda
    • Dilation & Curettage (D & C) report
    • Histopathological report

PaunawaMaaaring may hingin pang karagdagang dokumento ang SSS base sa evaluation ng claim.

Reference: UsapangSSS, SSS Website

sssinquiries_administrat0r

View Comments

  • Tanong ko po Nung pumunta ako sa SSS branch ng calamba para ipasa na yung maternity form ko Bali completo na ang requirements ko pero di nila inaprobahan Kasi kilangan daw may tatak daw po ng municipyo?original mark ceild,, merun Nman sya tatak pero ink LNG,,

  • Babayaran ko po b sa company ung nakuha ko sa sss na maternity claim ex:po if nakuha ko ng 39.000 sa sss babayaran ko in lahat sa company

  • Qualified po b aq sa maternity benefits last month contribution q po ay march 2016 .. Due date q po ay feb.2017.. Naka 17 month contribution p lng po aq...

  • Ma'am ask kolang Po Sana..If Hindi magbigay nang certificate of separation Yung employer ko ...anong gagawin para makuha ko Yung maternity benefits...

  • Ung maternity reinburstment q po until now dpa naibibigay january 9 2017 ko pa po pinasa mga papers q sa hr namen..

  • gud afternoon po.. employed po ako last november 2016 nag pasa po ako sa sss ng MAT1 na received na po nila.. then pag dating po ng january 2017 naging maselan po ung pag bubuntis ko sinabihan po ako ng ra. ko na kailangan ko mag bed rest hangang sa manganak ako kaya nag file po ako ng sickness notification feb01 2017 up to march 31 ,2017 .. manganganak po kasi ako ng april 12 2017.. dapat po mag papasa na din po ako ng MAT2 kaso may nabasa po ako na pag nag avail po ng sickness beneft ma dedeneid po ung maternity benefit pag same period dw po.. pa explaine namnan po salamat po

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

4 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

9 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

9 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

9 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

12 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

12 months ago