Pinag-iingat ng SSS ang publiko laban sa mga Facebook Scammer na nagpapanggap na empleyado ng SSS at nanghihingi ng impormasyon sa mga miyembro online. Ang pag-update ng member information ay ginagawa lamang online sa pamamagitan ng pagrerehistro sa My.SSS o ang pag-fill out ng Member Data Amendment Form (E-4) at ang pag-sumite nito sa pinakamalapit na SSS branch. Hindi rin nag-aalok ang SSS ng mabilisang pag-proseso ng UMID card application kapalit ng “transaction fee”.
Maging mapanuri at alerto mga Kabalikat! Makipag-ugnayan lamang sa mga official SSS social media channels:
FB: SSSPH
Twitter: PHLSSS
YouTube: MySSSPhilippines