Categories: Uncategorized

Self-employed SSS member sakop na ngayon ng EC program

Sakop na ngayon ng mga benepisyo at serbisyo ng Employees’ Compensation Program ang mga self-employed member ng Social Security System (SSS), ayon kay Labor Secretary at ECC chairperson Silvestre Bello III.

“Alam natin na ang karamihan sa mga self-employed member ng SSS ay mga manggagawa na nangangailangan ng proteksiyon sa mga panahon na sila ay nagkasakit, nasaktan, o pumanaw na may koneksiyon sa kanilang pagtatrabaho. Mula ng itatag ang ECC noong 1975, limitado lamang ang EC program sa mga manggagawa sa pormal na ekonomiya, kaya napapanahon na upang palawakin ang sakop ng programa, dahil bahagi din naman sila ng ating workforce,” ani Bello said.

Related Articles:

Sa ulat kay Bello, sinabi ni ECC Executive Director Stella Banawis na sa ilalim ng programa, ang self-employed member ng SSS ay makatatanggap ng loss of income benefits, medical benefits, carer’s allowance, at rehabilitation services, kung sila ay magkakasakit o mapipinsala bunga ng kanilang pagtatrabaho.

Kasama sa rehabilitation service sa ilalim ng EC program ang pagbibigay ng remedial treatment, entrepreneurial o vocational assessment at training. Ang mga serbisyong ito ay nilikha upang makatugon sa indibidwal na pangangailangan ng bawat taong may work-related disability (PWRD) para ihanda sila sa naayong trabaho, gayundin ang kanilang mental, vocational, o social potential.

Kung ang manggagawa ay nasawi dahil sa pagkakasakit o aksidente dahil sa kanyang trabaho, makatatanggap ang benepisaryo ng death pension at funeral benefits.

Ang self-employed na manggagawa ay iyong may negosyo o nagtatrabaho na siya rin ang employee, at kumikita ng hindi bababa ng P2,000 kada buwan sa kanyang pagtatrabaho, at hindi hihigit sa 60 taon ang kanyang edad, sa panahon ng kanyang initial coverage.

Ang mga sumusunod ang maituturing na self-employed individual na maaaring makinabang sa mga benepisyo ng EC program;

Self-employed professionals na mayroong sariling business office:

  • Partners, single proprietors ng mga negosyo, at Directors o Trustees ng mga Board of corporations na nakarehistro sa naaayong ahensya ng pamahalaan;
  • Actor, director, scriptwriter, at news correspondent na hindi saklaw ng depinisyon ng salitang ‘employee’ sa Section 8(D) ng SS Law;
  • Professional athlete, coach, trainer, jockeys, mga magsasaka at mangingisda;
  • Mga manggagawa sa informal sector tulad ng palengke at ambulant vendor, transport worker, at iba pa
  • Contractual at job order na empleyado na namamasukan sa gobyerno sa pamamagitan ng Contract of Service at ang mga hindi saklaw ng GSIS Law; at,
  • Sinumang self-employed na kinikilala ng Social Security Commission ay saklaw ng compulsory coverage, at initial membership.

Mula Marso 2018, mayroon ng 36.3 milyong manggagawa ang nakarehistro sa ilalim ng SSS. Nasa 12.4 porsiyento sa mga registradong miyembro ng SSS o 4.5 milyon ay self-employed na manggagawa.

Sa kabilang dako, batay sa 2018 PSA Labor Force Survey , mayroong 11.07 milyon o 26.9 porsiyento ng kabuuang working population ng bansa ay self-employed at walang binabayarang empleyado.

Upang maging kuwalipikado sa EC program, dapat na magparehistro ang mga self-employed na manggagawa sa SSS membership sa pinakamalapit na sangay ng SSS. Saklaw na sila sa ilalim ng programa sa oras na makapagbayad ng unang kontribusyon sa EC.

Ang babayarang kontribusyon ay nababatay sa kanilang monthly salary credit of the amount of earnings na kanila ring idedeklara sa oras na sila ay magparehistro.

Kinakailangang magbayad ang mga Self-employed member ng P10 kada buwan kung mayroon silang monthly salary credit (MSC) na P14,500 o mas mababa, at P30 kada buwan kung mayroon silang MSC ng P15,000 pataas.

Ang mga miyembrong self-employed ay maaaring makatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng EC program at ng SSS kung sila ay kuwalipikado nang makakuha nito sa ilalim ng bawat programa.

“Sa pamamagitan nito, mas maraming Pilipinong manggagawa na ang maseserbisyuhan ng ECP,” wika ni Banawis.

Source: DOLE.GOV.PH

sssinquiries_administrat0r

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

4 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

9 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

9 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

9 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

12 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

12 months ago