Sakop na ngayon ng mga benepisyo at serbisyo ng Employees’ Compensation Program ang mga self-employed member ng Social Security System (SSS), ayon kay Labor Secretary at ECC chairperson Silvestre Bello III.
“Alam natin na ang karamihan sa mga self-employed member ng SSS ay mga manggagawa na nangangailangan ng proteksiyon sa mga panahon na sila ay nagkasakit, nasaktan, o pumanaw na may koneksiyon sa kanilang pagtatrabaho. Mula ng itatag ang ECC noong 1975, limitado lamang ang EC program sa mga manggagawa sa pormal na ekonomiya, kaya napapanahon na upang palawakin ang sakop ng programa, dahil bahagi din naman sila ng ating workforce,” ani Bello said.
Related Articles:
- How to apply for SSS Number
- How to apply for SSS Number Online
- Update SSS Contribution Schedule 2019
- How to update my SSS Beneficiaries
- How to Claim SSS Maternity Benefit
- List of SSS Benefits
- How to Get SSS PRN as Self Employed Member
Sa ulat kay Bello, sinabi ni ECC Executive Director Stella Banawis na sa ilalim ng programa, ang self-employed member ng SSS ay makatatanggap ng loss of income benefits, medical benefits, carer’s allowance, at rehabilitation services, kung sila ay magkakasakit o mapipinsala bunga ng kanilang pagtatrabaho.
Kasama sa rehabilitation service sa ilalim ng EC program ang pagbibigay ng remedial treatment, entrepreneurial o vocational assessment at training. Ang mga serbisyong ito ay nilikha upang makatugon sa indibidwal na pangangailangan ng bawat taong may work-related disability (PWRD) para ihanda sila sa naayong trabaho, gayundin ang kanilang mental, vocational, o social potential.
Kung ang manggagawa ay nasawi dahil sa pagkakasakit o aksidente dahil sa kanyang trabaho, makatatanggap ang benepisaryo ng death pension at funeral benefits.
Ang self-employed na manggagawa ay iyong may negosyo o nagtatrabaho na siya rin ang employee, at kumikita ng hindi bababa ng P2,000 kada buwan sa kanyang pagtatrabaho, at hindi hihigit sa 60 taon ang kanyang edad, sa panahon ng kanyang initial coverage.
Ang mga sumusunod ang maituturing na self-employed individual na maaaring makinabang sa mga benepisyo ng EC program;
Self-employed professionals na mayroong sariling business office:
- Partners, single proprietors ng mga negosyo, at Directors o Trustees ng mga Board of corporations na nakarehistro sa naaayong ahensya ng pamahalaan;
- Actor, director, scriptwriter, at news correspondent na hindi saklaw ng depinisyon ng salitang ‘employee’ sa Section 8(D) ng SS Law;
- Professional athlete, coach, trainer, jockeys, mga magsasaka at mangingisda;
- Mga manggagawa sa informal sector tulad ng palengke at ambulant vendor, transport worker, at iba pa
- Contractual at job order na empleyado na namamasukan sa gobyerno sa pamamagitan ng Contract of Service at ang mga hindi saklaw ng GSIS Law; at,
- Sinumang self-employed na kinikilala ng Social Security Commission ay saklaw ng compulsory coverage, at initial membership.
Mula Marso 2018, mayroon ng 36.3 milyong manggagawa ang nakarehistro sa ilalim ng SSS. Nasa 12.4 porsiyento sa mga registradong miyembro ng SSS o 4.5 milyon ay self-employed na manggagawa.
Sa kabilang dako, batay sa 2018 PSA Labor Force Survey , mayroong 11.07 milyon o 26.9 porsiyento ng kabuuang working population ng bansa ay self-employed at walang binabayarang empleyado.
Upang maging kuwalipikado sa EC program, dapat na magparehistro ang mga self-employed na manggagawa sa SSS membership sa pinakamalapit na sangay ng SSS. Saklaw na sila sa ilalim ng programa sa oras na makapagbayad ng unang kontribusyon sa EC.
Ang babayarang kontribusyon ay nababatay sa kanilang monthly salary credit of the amount of earnings na kanila ring idedeklara sa oras na sila ay magparehistro.
Kinakailangang magbayad ang mga Self-employed member ng P10 kada buwan kung mayroon silang monthly salary credit (MSC) na P14,500 o mas mababa, at P30 kada buwan kung mayroon silang MSC ng P15,000 pataas.
Ang mga miyembrong self-employed ay maaaring makatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng EC program at ng SSS kung sila ay kuwalipikado nang makakuha nito sa ilalim ng bawat programa.
“Sa pamamagitan nito, mas maraming Pilipinong manggagawa na ang maseserbisyuhan ng ECP,” wika ni Banawis.
Source: DOLE.GOV.PH