REGISTRATION

Mayroon bang Age Limit ang Pagpapa Miyembro sa SSS?

Isa sa madalas na itanong sa SSS Inquiries ay kung may age limit ang pag-papamiyembro sa SSS.

Kung kayo po ay may dati nang SSS Number, ibig sabihin ay ikaw ay miyembro na ng SSS. Kung wala pa kahit isang hulog, maaring magpapalit ng status ng membership bilang Self Employed upang makapaghulog ng personal.

Kung kayo naman po ay naghuhulog na dati ng inyong kontribusyon, ngunit natigil, hindi po nag eexpire ang SSS Membership. Maaring ituloy ito kung kayo ay na-employ muli o bilang voluntary paying member.

Kung kayo ay wala pa talagang SSS Number, ang age limit sa pagpapa miyembro ay:

  • Para sa Employed, Self Employed at Non Working Spouse

Maaring magpa miyembro sa SSS hanggang sa ika 60 na kaarawan (60 years old). Ngunit kung kayo ay 60 taon at isang araw na ang edad (60 years old and 1 day old), hindi na maaring magparehistro sa SSS bilang Self Employed at Non Working Spouse.

Kung kayo ay qualified at nais kumuha ng SSS Number, maaring kumuha ng SSS Number Online. Basahin ang How to Get an SSS Number online para sa instruction.

  • Para sa Voluntary Members

Kung dati nang miyembro at 60 taong gulang na o higit pa (ngunit wala pang 65) at mayroon nang 120 buwan na contribution, ang miyembro ay maaring magpatuloy ng contribution ng boluntaryo hanggang sa kanyang ika-65 na kaarawan para ma-avail ang mas malaking benepisyo.

Kung ang miyembro ay 65 na taong gulang na o higit pa at may contribution na kulang sa 120 buwan ay maaring magpatuloy ng paghuhulog bilang Voluntary Member hanggang sa makumpleto ang 120 buwan na contribution para maging-eligible sa retirement pension.

Related Search Keyword: Is there an Age Limit in becoming an SSS Member, SSS Retirement Pension

sssinquiries_administrat0r

View Comments

  • Gud am may requirements po ba ang maging voluntary member? Paano po kung nagdiretso ka naghulog kagad? Makakakuha po ba ako ng SSS ID? tnx po😊

    • Good day po gusto ko po snang i continue ang paghuhulog voluntary ang dti kong Sss acct nun nagwork pa po ako s greenwich.kaso po sa tagal n at dalaga pa po ako nun last na nkapg work ako mahigit na po cgurong 20 yrs..ang problema po nawla at nakalimutan ko na ang Sss number ko at nwla ang mga papers ko.paano ko po kaya mareretreive at mapapalitan ang status at mga beneficiaries..dahil ndi po ako inapprove kanina sa pag iinquire ko sa Sss tanay branch dahil kylangan dw po alam ko ang exact company name at exact year na nag start akong mag work pra po s confirmation ng account ko..sa kamsaang palad eh nakalimutan ko na po ito kun anong exact year..nais ko pa naman po sna mahulugan ulet voluntary.paano po kaya ang magndang gawin dto.slamat po in advance sa reply.

  • Aq po ung nanay ko dating nag work sya tps ung amo niya ang naghuhulog sa sss pero nung na matay ang tatay ko dun lang niya nalman na wla pla silang hulog kahit po sss number ngun po at 62 yes na ang nanay ko pwde po ba syang mag pa membeship sa sss? At magkano po ang dapt na ihulog sa sss

  • I just registered to SSS TEXT SERVICE,then I got a message from 2600, that I am already registered to the TEXT SERVICE. It doesnt have my PIN. What will I do?

  • i started my SSS contribution since 1972 up to the 2016 . I file my pension at age 65, I would like to know if my SSS
    Contribution from age 60 to 65. For a total of 44 years. And yet my pension is only 5thiusand plus. I have learn that my contribution from 60 to 65 is not conunted thus, if not, can a refund be made? Please check. My SSS number is 03-2744692-3.

  • Nagmember na po ako binigyan ako ng number ngunit di ako tatanggapan ng hulog dahil ang naiapply ko ay self employed ngunit wala akong maipakitang business permit. Hanggang sa di ko na po naasikaso uli. Pwede ko po bang iapply ng voluntary ang apply ko. Isa pa po iba ang birthday na nakalagay ruon. Pwede po bang ibahin ko na lang ang apply ko o iyun na rin. Ipakita ko na lang ang copy ng bagong birthday kong nakuha sa nso.
    Tnx ang God bless!

  • Asawa ko Po ay isang PWD at gusto Po magpamember sa SSS kailangan Po ba personal cya pumunta Ng SSS opis para mag apply.salamat Po..

  • Gud day po 7mounths npo ako nakapaghulog ng self employed pwede ko bng ipasok sa maternity. Anu po mga kaylangan?

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

4 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

9 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

9 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

9 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

11 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

12 months ago