CONTRIBUTIONS

SSS Automated Tellering Systems, tumatanggap na ng kontribusyon gamit ang PRN

Tumatanggap naang 94 sangay ng SSS na may Automated Tellering Systems (ATS) ng kontribusyonmulasa employers at individually-paying members sailalim ng Enhanced Contribution Collection System (e-CS) gamitang Payment Reference Numbers (PRNs).
Mula noong Enero 16, 2018, kailangang iprisinta ng self-employed, voluntary at OFW members ang kanilang PRN kapag magbabayad ng kontribusyon upang ito ay mai-post kaagad sa SSS.
“Kung nakarehistro ang kanilang mobile numbers sa SSS ay matatanggap nila ang PRN sa pamamagitan ng SMS. Sa mga nakarehistro sa My.SSS facility sa SSS website, makukuha nila doon ang Statement of Account (SOA) kung saan nakasaad ang PRN. Kung hindi pa nakarehistro sa My.SSS facility, pupunta muna sila sa e-Center o Member Services Section (MSS) ng pinakamalapit na tanggapan ng SSS para makakuha ng PRN,” sabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc.
Sinabi rin ni Dooc na may special lane sa lahat ng SSS branches para sa mga nais i-access ang kanilang My.SSS account para ayusin o kumpirmahin ang kanilang SSS records.
Nais ng bagong sistema na tinaguriang real-time posting of contributions (RTPC) na pabilisin ang pagproseso ng claims at maiwasan ang diskwalipikasyon ng miyembro sa mga benepisyo at loan sanhi ng pagkakaantala sa posting ng kontribusyon. Nakakatanggap ang SSS ng libo libong request buwan-buwan para sa manual na beripikasyon at pagwawasto ng contribution records. Ang mga ito ay kadalasang nangyayari dahil sa may mga mali sa ipinasang contribution collection reports o di kaya ay naantala o hindi nakapagbigay ang employer ang nasabing dokumento.
Maliban sa My.SSS, ang mga individually-paying members ay maaari ring kumuha ng kanilang PRN sa pamamagitan ng pagtawag sa PRN Helpline, 920-6446 hanggang 55 o sa Toll-Free Hotline 1-800-10-225. Bukas ang linyang ito sa loob ng 24 oras mula Lunes hanggang Biyernes. Pwede ding makakuha ng PRN sa PRNHelpline@sss.gov.ph.

“Naglaan ang SSS ng iba’t-ibang paraan sa pagkuha ng PRN para sa mga miyembrong walang internet, o sa mga nahihirapan mag-login sa SSS website dahil sa dami ng gumagamit nito pati na rin ang isinasagawang system enhancements ng ahensya,” dagdag ni Dooc.

Upang hindi maabala sa pagbabayad ng kontribusyon, pinapayuhan ang mga miyembro na ihanda na ang kanilang PRN. Ngunit, kung sakaling nakalimutan ng miyembro ang PRN, maaari silang pumunta sa teller ng SSS at iprisinta ang kanilang UMID o SSS ID para mabigyan ng PRN. Kung wala naman dalang UMID o SSS ID, ibigay lamang ang petsa ng kapanganakan upang makuha ang PRN.
“Kapag naibigay na ang PRN, maaari nang magtungo ang miyembro sa tellering section,” paliwanag ni Dooc.
Sa kaugnay na balita, kasalukuyan nang inaayos ng SSS collection partners ang kanilang mga systems upang tumanggap ng kontribusyon gamit ang PRN at maisakatuparan ang RTPC.
“Kailangang ayusin ng aming collection partners ang kanilang sistema upang maging handa sa implementasyon ng RTPC na PRN ang batayan ng pagbabayad ng kontribusyon. Kasalukuyan nilang sinusubukan ang bagong sistema para makasunod sa itinakdang deadline. Kung hindi sila makakasunod sa itinakdang palugit, pansamantala naming isususpinde ang akreditasyon bilang collecting partners hangga’t makumpleto ang pagsasaayos ng kanilang sistema,” nilinaw ni Dooc.
Kabilang samga SSS collection partners natumatalimanasaimplementasyon ng RTPC ay Bayad Center Inc., SkyFreight, Bank of Commerce, Security Bank Corporation, i-Remit, Asia United Bank, Ventaja Inc. at Unionbank of the Philippines.
sssinquiries_administrat0r

View Comments

  • Nag trabaho po ako sa Pilipinas ng 7 years, with contribution sa SSS. Natigil po ang contribution ko nung nagtrabaho ako sa ibang bansa as OFW for 5 years. Kung gusto ko po bang ituloy ang SSS ko as individual contributor, counted pa rin po ba ang 7 years na contribution ko nung nag trabaho ako sa Pilipinas or kelangan ko po bang mag simula ulit ng bilang ng 120 months as OFW?

    Nabasa ko po ito sa page nyo, paki bigyan lang po ng linaw.

    "On the applicable month and year of the first contribution payment based on the payment deadline for OFWs."

  • good day..ask ko lang po about sa PRN.. may nakalagay po kasi na applicable month..at ang nakalagay eh 3months..parang quarterly..eh pano po ang gagawin ko pag ang gusto ko po ay every month po ako magbabayad para hindi po ako mahirapan na medyo mabigat pag naipon ang contribution ko ng quarterly..pwede rin po ba akong magbayad using my PRN..pero monthly ako magbabayad..Thanks in advance

  • Hi. Ask ko lang po, sa sistema ng PRN, paano po kung di ko nabayan within the due date (past due) ang contribution? Maaari ko pa rin ba iyon na ituloy na bayaran o i-cancel at gumawa na ng panibago (halimbawa, sa kadahilanan na may penalty na)?? Salamat sa pagsagot!

  • Meron na along PRN Kaya Lang Hindi ko Alam kung saan ako magbayad ng SSS contribution.dito sa amin walang SSS branch. Wala ring collection agent na tumatangap ng contribution. Noon sa Bangko ako nagbabayad pero ngayon ayaw ng tumangap Ang Bangko dito sa Saudi .

  • LRP? ETO PO BA UNG RECONSTRUCTION/CONDONATIONS NA NAG KAUTANG TAPOS HINDI PO NAIPAG PATULOY ANG PAG HUHULOG KADA BUWAN? SAN PO BA PUEDE MAG HULOG KADA BUWAN PO? SALAMAT

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

4 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

9 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

9 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

9 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

12 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

12 months ago