MATERNITY

Frequently Asked Question on SSS Maternity Benefit

FAQ on SSS Maternity Benefit under the Expanded Maternity Law

Ang Expanded Maternity Law ay effective mula March 11, 2019

  1. Meaning lahat ng nanganak ng March 11, 2019 pataas ay makakapag avail ng mas malaking benepisyo. Dati ay 60 days ang Normal Delivery at 78 days naman sa Ceasarean. Ngayon ay naging 105 days na ang Benefit Normal man o Ceasarean.
  2. Regardless kung Employed/Voluntary/Self Employed/OFW o Non Working Spouse ay pwedeng magclaim ng SSS Maternity Benefit.
  3. Kung nalaman mong buntis ka, magpasa ng SSS Maternity Notification o MAT1 sa SSS.
  4. Dapat at least may 3 hulog ka sa loob ng isang tao bago ang semester ng iyong panganganak para ma-qualify sa SSS Maternity Benefit.
  5. Pwede kang mag-apply ng Maternity Benefit kasal man, living in, o single mom ka.
  6. Ang babaeng SSS member lamang ang pwedeng mag apply ng Maternity Benefit. Kung ang asawang lalaki ang miyembro ng SSS at ang asawang babae ay hindi, walang makukuhang maternity o paternity benefit.
  7. Ang number of days ng benefit ay:
    • 105 Days sa Normal o CS Delivery
    • 60 days sa Miscarriage o Ectopic Pregnancy
    • 120 days kung Single Parent
  8. Wala nang limit kung ilang panganganak. Dati ay hanggang apat na pregnancy lamang
  9. Obligado na sa bagong batas na ibigay ang differential salary sa empleyado. Kung 30k ang sahod mo kada buwan  at kung ang nakuha mo lng s sss ay 16k as maximum as of now ay ibibigy nila ang kulang base sa iyong sahod
  10. Ang Maternity ay isang Benepisyo mula sa SSS at hindi Loan. Libre itong ibibigay ng SSS basta qualified ka at nagsubmit ka ng required na dokumento.
  11. Kung may kasalukuyang utang ka sa SSS ay hindi ibabawas ang iyong loan balance sa makukuha mong Maternity Benefits
  12. May option kang itratransfer mo ang 7 days sa ama ng iyong anak (98days lang babayadan sayo)
  13. Kung nakapanganak ka na ay hindi mo na kailangang magpasa ng MAT1 (kung sa lying in o bahay ka nangaanak ay subject for investigation pa ng SSS)
  14. Kailangan mong mag open ng Account sa SSS Accredited Bank para diretso na sa ATM idedeposit ang Maternity Benefit mo at hindi na cheke ang ibibigay.
  15. Sa ngayon ang maximum na makukuha ay 70k since 20k na highest MSC sa katumbas na 2400 a month na contribution

Kung nais mong malaman kung magkano ang iyong maaring maging Maternity Benefit under the Expanded Maternity Law, narito ang article.

Related Articles:

sssinquiries_administrat0r

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

6 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

10 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

10 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

11 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

1 year ago