SUPPORT

SSS Loan Condonation inextend hanggang April 2019!

Good news! Inanunsyo ng Philippine Social Security System (SSS) nuong September 26, 2018 na inextend ang Loan Restructuring Program (LRP) na may kasamang condonation ay inextend ng anim na buwan pa o hanggang April 1, 2019!

“Masaya naming ina-anunsyo na ang pangalawang Loan Restructuring Program na may kasamang penalty condonation ay ma-eextend pa ng anim na buwan pa para magbigay daan sa mga SSS miyembro na may outstanding short-term loans sa SSS ay makapag-apply pa!”, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc.

“Ang Loan Restructuring Program ay isa sa aming mga kaparaanan para magbigay tulong sa ating mga SSS members na mabayaran nila ang kanilang loan obligations sa SSS. Naiintindihan namin na may mga hindi mabubuting sitwasyong napagdaanan ang mga SSS members katulad ng mga kalamidad, lindol, bagyo na naging sanhi ng kahirapang bayaran ang kanilang mga loan”.

Related Articles:

Inilunsad ng SSS ang LRP with condonation program noong April 2, 2018 at simula nuon ay nakakolekta na ng Php 2 Billion mula sa 300,000 nag-avail limang buwan simula ng araw ng implementasyon nito.

Mula April 2 hanggang August 31, 2018, ang SSS ay nakapag condone na ng P4.3 billiong penalties.

“Hinihikayat namin ang mga SSS members na dali-daling i-file ang kanilang LRP applications at huwag nang maghintay ng last minute na filing sa susunod na taon. Nais naming ipaalala na ang mga outstanding loan ay patuloy na mag-dadagdag ng interest. Sa loob ng Loan Restructuring Program, ang penalty lamang ang siyang iko-condone.

Para ma-qualify sa LRP, ang mieymbre ay dapat nakatira o nagta-trabaho sa anumang calamity area na dineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) o ng national government. Ang short-term loan na i-aapply sa LRP ay overdue ng atleast na anim na buwan.

Ang miyembrong ay maaring bayaran ang kanilang loan ng buo sa loob ng 30 araw nang walang karagdagang interest o mag apply ng installment payment term hanggang limant taon na may 3% interest per annum.

Ang miyembro na mag-aapply ng LRP ay dapat mag-accomplish ng LRP form, magdala ng identification documents at Letter of Authority (LOA), if in case na ito ay isusumite sa SSS sa pamamagitan ng authorized representative.

sssinquiries_administrat0r

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

2 weeks ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

5 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

5 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

5 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

8 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

8 months ago