LOAN

Paano mag apply ng SSS Loan Restructuring Program?

Mga Commonly Asked Questions tungkol sa SSS Loan Restructuring Program. Medyo mahaba po pero worth it po basahin hanggang dulo para malaman ang buong detalye.

 Ano ang Loan Restructuring Program ng SSS?
Eto rin ay kilala sa Loan Condonation. Kung ikaw ay mayroong SSS Loan dati at matagal mo nang hindi nabayaran, ngayon ay lumaki na iyon dahil sa penalty at interest. Ang loan mong 10k dati ay maaring maging 50k na dahil sa penalty at interest na naidagdag na sa iyong loan dahil ito’y hindi nababayaran. Sa pamamagitan ng LRP ay matatanggal ang penalty ng iyong loan. Kumbaga ito ay liliit at mas madali mo nang mababayaran.

Kailan pwede mag apply ng Loan Condonation?
Ang Loan Condonation Program ng SSS ay mula April 2- October 1, 2018. Ito ay 6 na buwan na programa ng SSS. I-take advantage na po natin ito at mag apply ng maaga dahil hindi po regular at taon-taon na isinasagawa ng SSS ang Loan Condonation Program. Nuong Loan Restructuring Program nung 2016-2017, isang buong taon na tumanggap ang SSS ng Application ngunit dinagsa at blockbuster ang SSS Branches nung last day of LRP Application.

Ano-anong klaseng loan ang pwede iapply sa Loan Condonation program?
Salary Loan, Calamity Loan, Salary Loan Early Renewal program (SLERP), Emergency Loan, Educational Loan, Study Now Pay Later Program, VocTech Loan. Y2K Loan, Investment Incentive Loan.

Paano ko po malalaman kung eligible ako?
Kung kayo po ay mayroong past due loans na higit 6 na buwan na
Wala pa po kayong 65 years old
Hindi pa nakapag apply ng Loan Restructuring Program last year
Wala pang final claim sa SSS (wala pang funeral, retirement, permanent disability benefit)
Nakatira o nagta trabaho sa Calamity Stricken Area

Saan Pwede mag-apply?
– Sa SSS Branches lamang

Pwed ba mag apply online?
Wala pong facility sa SSS website na makapag apply ng Loan Condonation Online. Sa SSS Branch lang po. Antayin po natin kung gagawa ang SSS para makapag apply ng LRP online.

Paano po ang proseso ng pag aaply?

  1. I-print ang SSS LRP application form (MEL-01368) at i-accomplish. Isang kopya lang ang kailangan. Mayroong form sa SSS Branch. Kung di po kayo maka pag print, pwedeng sa SSS Branch na lang punan ung Form. Black ink only.
  2. Pumunta sa SSS Branch. Kumuha muna ng Statement of Loan Balance for Loan Restructuring Program para malaman mo kung magkano na lamang ang iyong babayaran.
  3. I-accomplish ang Affidavit of Residency na nag sasabi na ikaw ay nakatira o nagtrabaho sa address na nakaranas ng calamity. Ang SSS member na may Calamity Loan o Salary Loan Early Renewal Program ay hindi na kailangang mag accomplish nito.
  4. Kung ikaw mismo ang mag aaply, ipakita ang iyong original ID. Mas maganda siyempre kung SSS ID o UMID .
  5. Kung representative mo naman ang mag aaply,
    – Ipakita ang nafill-upan na Letter of Authority (original)
    – Photocopy ng 2 valid ID ng member a filer. Dapat ang ID ay may Picture at signature.
  6. Isubmit ang form sa SSS Branch o Foreign Office. Ang form na dapat isubmit ay Application Form, Affidavit of Residency (if applicable), Statement of Loan Balance for Loan Restructuring Program, at Letter of Authority (kung ang representative ang magpa -file).

Magkano na lang po ang babayaran ko?
Principal at Interest ng iyong loan, at may patong na 3% per annum interest base sa computed diminshing principal. Malalaman mo ang eksaktong amount pag kumuha ka ng Statement of Loan Balance for Loan Restructuring Program.

Paano po ang bayaran nito?
Maari po kayong magbayad ng isang bagsakan o pwedeng staggard o hulugan hanggang 5 taon (60 months). Ang SSS ay mag sa-suggest kung ilang buwan maaring bayaran ang iyong restructured loan. Kung hindi kayang bayaran ang monthly amortization na nacompute ng SSS, maari nyo pong itanong sa SSS Officer kung pwede iextend ang taon ng pagbabayad para lumiit ang monthly amortization. For example, kung kayo ay may 20,000 na Restructured Loan amount, 2 years ito babayaran ng halagang 800+ every month. Kung hindi po kaya ng 800 every month, maari niyo pong itanong sa SSS Officer kung pwedeng maging 3 years para maging 500+ monthly o 4 years para maging 400+ monthly.

Paano po mag-apply kung OFW po ako?
Kung mayroong SSS Branch sa bansang iyong pinagta- trabahahunan, maaring ikaw mismo ang mag-apply sa SSS Branch. Dalhin lamang ang iyong SSS Passport at anumang Valid ID na mayroon ka kasama ng LRP Application Form at Affidavit of Residency.

Kung wala namang SSS Branch na malapit sa iyo, maaring ang iyong mga kamag-anak o sinumang representive ang maglakad ng iyong SSS Loan Condonation Application. Kailagan lamang na mag accomplish ng Letter of Authority para i-authorize ang iyong representative na maglakad in you behalf. Magbigay ng iyong ID sa iyong representative kasama ng kanyang ID para sa verification ng SSS.

✌🏻Nakapag apply na po ako ng LRP nung 2016-2017 at hindi ko po nabayaran, pwed po ba uli ako mag apply?
Hindi na po pwede. May policy po na once na mag-apply ka ng Loan Condonation ay hindi ka na uli pwede mag apply sa mga susunod na condonation. Ang maari nyo pong gawin ay ipagpatuloy ang paghuhulog ng inyong loan payment under the Loan Restructuring Program at kung nakaluwag po kayo ay bayaran nyo po ung mga buwan na hindi nyo po nabayaran.

💰Kailan ako pwede uli mag loan pagkatapos ko mabayaran ang Loan ko under Loan Restructuring Program?
Maari na po kayong mag renew ng loan 6 months after ma-fully paid ang inyong Loan under LRP Program at aktibong nagbabayad ng Contribution (may 6 na buwang contribution sa loob ng 12 buwan bago ang buwan ng pag aaply ng Loan).

💎Magreretire na po ako at may loan pa. Pwede pa po ba akong mag apply?
Pwede pa po basta ang Date of Contingency ay bago ang Deadline ng Application ng Loan Restructuring Program (October 1, 2018).

sssinquiries_administrat0r

View Comments

  • Please help me reconnect to my sss account. I'm interested to pay my contribution and get a sss loan restructuring program.

  • Nahinto po ako ng pag hulog ng sss dapat daw maconpleto ko daw mabayaran ang 3 years pa para ko makapag pension ako dating ko hulog eh 100 ung kulang ko 3 years hinuhulugan ng ng 550 a month cover po ba yan para makapag pension ako ng malaki. Thanks for the reply

  • Iyong papa ko po kasi dating nagwowork sa Hyatt regency sa pasay... Last 2007 po sya nag loan kaso nagsarado n po Ang Hyatt.. Ang na loan nya po at 24000.. kaso Hindi n po nhulugan kasi nagsarado na po ang hotel. Pwede po b sya mag avail nyan?

  • (Papa ko) Paano po kung na-stop yung paghuhulog nya sa sss mula pa noong 1995 ?
    Pwede din po ba syang mag-apply sa program na ito ?

  • Fathet ko po matagal na po nahinto sa trabaho since 1997..76 years of age na po sya dapat penyonado na sya.. Nag strike sila noon dahil hindi nag reremit ang company nila kaya hindi sila makapag loan at tuluyang tinanggal sila.. Paano po kaya ito maayos..sayang naman yung sss niya

  • Pwedi po ba ako dito sa lipa batanggas branch mag aply ng LRP.ang address ko kc po maynila thank you

  • interesadong interesado akong bayaran yung loan ko pinakuha ko na ang representative ko ng letter of authorization ang problema pabalik balik na sya dun hnd makakuha ng token dahil 50 person nalang daw ang ina aacomodate ng sss sa antipolo ,,,nakakabadtrip diba,,kaya wag na lang bull shit ang systema nyo napapagod ang tao,,, 50 persons yan lng ba trabahuin ninyo sa loob ng isang araw wow nmn sayang ang sahod nyo

  • member pO ako ng SSS pero po stop ko.po un monthly payment ko kasi nag Saudi po that time..
    Pero s Cardbank po ako nagpa member ng SSS nag last payment po ako ng May 2017..self employed lng po un dti..pwede po b akong ipag- patuloy un hulog ko SSS MEMBER ngyn 2018.

  • Paano kung na meet mo yung qualifications pero hindi ka nakatira o nagta trabaho sa Calamity Stricken Area o hindi calamity yung dahilan kung bakit hindi ka nakapagbayad ng loan mo, magiging qualified ka pa rin ba o hindi na? Thank you for answering.

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

1 week ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

5 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

5 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

5 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

8 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

8 months ago