Para masolusyunan ang mahabang paghihintay at para ma-accommodate ang lahat ng aplikante ng Loan Restructuring Program, tatanggapin ng SSS ang lahat ng application ngunit hihintayin ng miyembro ang approval ng application sa ibang araw.
Inilabas ang procedure na ito dahil sa dagsang dating ng aplikante sa SSS Branches para humabol sa deadline ng submission ng Loan Restructuring Program bukas, April 27, 2017. Ang lahat ng application ay tatanggapin ng SSS Branches at ang miyembro ay aabisuhan na lamang sa pamamagitan ng text message kung kailan nila makukuha ang approval slip. Maari lamang magsimula ng pagbabayad ang miyembro kapag nakuha niya na ang LRP Approval Slip.
Ang SSS Branches sa Manila, Pasay at Makati ay bukas sa April 27, kahit ang araw na ito ay idineklarang holiday, ngunit ang transaction na tatanggapin ay LRP applications lamang.
Related Articles
Source: www.sss.gov.ph
Pano po kapag nafully paid ko na yung LRD ko tpos po hnd pa tapos yung month dun s contract k,halimbawa po nafully paid ko ng June tpos s contract ko pede p hanggang october ang pagbabayad s LRD ko,kelan po ako pede makapagloan nun?
Kailan ang susunod na sss condonation program?