Comprehensive Guide about SSS Pension Loan – A quick guide on the much awaited Pension Loan – includes guidelines, how much to loan, payment schedule and SSS Branches where to file a loan!
Good news! Hindi na kailangang mag-sanla ng pension sa mga “loan-sharks” ating mga SSS Pensioners dahil may programang pautang na ang SSS. Batid ng SSS na marami sa ating mga SSS pensioners ang lumalapit sa mga
“loan sharks” na lubhang napakataas ang interes at isanla ang ATM cards bilang kolateral sa mga ito. Halos 1.2 milyong pensyonado ng SSS ang makikinabang sa programang ito na may alokasyon na P10B sa unang taon ng kanyang implementasyon. Ang SSS Pension Loan ay tugon sa hiling ng mga pensyonado na pinanungunahan ni Ginoong Jorge Banal ng Federation of Senior Citizens Association of the
Philippines(FeSCAP) na isinulong sa SSS na magpatupad ng ganitong uri ng programa.
Ano ba ang SSS Pension Loan Assistance Program (PLP)?
Ang SSS Pension Loan Assistance Program (PLP) ay programang pautang sa mga kwalipikadong pensyonado ng SSS. Layunin nito ang makapagbigay ng tulong-pinansyal sa mga retiradong pensyonado sa pamamagitan ng isang pautang na may mababang interes.
Hanggang kailan maaring mag apply ng SSS Pension Loan?
Wala pong hangganan ang programang ito ng SSS bilang pagtulong sa ating
pensioners na nangangailangan ng madaliang pinansyal na tulong.
Sino ang maaaring mag-apply sa ilalim ng programang ito?
Qualified sa programang ito ang lahat ng retiradong pensyonado na pasok sa mga sumusunod na kondisyon:
- Walumpung (80) taong gulang o pababa sa katapusan ng termino ng pautang
- Walang ibinabawas sa buwanang pensyon tulad ng natitirang balanse sa ibang pautang ng SSS, sobrang kabayaran ng benepisyo sa SSS, atbp.
- Walang paunang pensyon na natanggap sa ilalim ng SSS Calamity Package; at
- Tumatanggap ng regular na buwanang pensyon na hindi bababa sa anim (6) na buwan at ang estado ng kanyang pensyon ay “Active.” (Kung ang retiradong pensyonado ay kumuha ng paunang labing walong (18) buwanang pensyon, nakakatanggap na siya dapat ng regular na buwanang pensyon na hindi bababa sa anim (6) na buwan.
Ang mga retiradong pensyonado na nasa ilalim ng Portability Law, Disability Pensioner, Survivor Pensioner at nasa pangangalaga ng isang guardian ay hindi maaaring mag-apply sa programa.
Magkano po ang maaaring mahiram sa programang ito at hanggang kailan naman ito maaaring bayaran?
- Ang loan amount ay katumbas ng Basic Monthly Pension (BMP) kasama ang karagdagang P1,000 benepisyo. (Hindi kasama rito ang dependent’s pension.)
- Ang pensioner borrower ay makakahiram hanggang P32,000.00.
- Maaaring bayaran ito sa nakatakdang termino ng pagbayad:
Halaga ng Pwedeng Utangin Termino ng pagbayad 2 x (BMP +P1,000 karagdagang benepisyo) 3 buwan 4 x (BMP +P1,000 karagdagang benepisyo) 6 buwan 6 x (BMP +P1,000 karagdagang benepisyo) 12 buwan
Ang interest rate ay 10% kada taon, na kinukuwenta batay sa lumiliit na balanse sa panahon ng pagbabayad. Magiging bahagi ito ng buwanang bayad sa utang o katumbas ng 0.83% kada buwan. Ang 1% na loan service fee ay hindi na pababayaran ng SSS bilang subsidiya sa pagbabayad sa halaga ng Credit Life Insurance (CLI) ni pensioner-borrower
Ano naman ang step by step procedure sa pag-aapply ng Pension Loan Program?
Ang pensyonado ay kinakailangang:
- Magsadya sa pinakamalapit na SSS branch upang personal na mag-apply.
- Ipakita ang orihinal at mag-submit ng photocopy ng alinmang ID, tulad ng mga sumusunod:
- Social Security ID;
- Unified Multi-Purporse Identification Card (UMID);
- Pasaporte; o
- Dalawang (2) balidong IDs, na may lagda at larawan ng pensiyonado.
- Hintayin ang resulta hinggil sa beripikasyon na isasagawa ng SSS Member Service Officer upang malaman kung ang pensiyonado ay kwalipikado sa PLP.
- Pumili ng loan amount at loan term na inaaplayan.
- Suriin ang impormasyon ng pension loan borrower at detalye ng loan namakikita sa computer screen ng SSS Member Service Officer.
- Tanggapin ang Cash Card o Quick Card ng napiling bangko o kaya’y i-enroll and UMID card bilang ATM card sa alinmang sangay ng Union Bank of the Philippines (UBP) kiosk, kung mayroon.
- Lagdaan ang mga sumusunod:
- Pension Loan Application at Disclosure Statement (3 kopya)
- at photocopy ng balidong IDs (3 pirma);
- Punuan at pirmahan ang Supplemental Information Sheet at Terms and Conditions ng napiling bangko.
- Hintayin sa loob ng limang (5) working days ang loan proceeds na ipapasok sa Cash Card o UMID Card.
Saang SSS Branches maaring mag-apply ng Pension Loan Program?
Simula September 3, 2018, mayroong 20 pilot SSS branches lamang ang tumanggap ng mga aplikasyon para sa Pension Loan Program.
- Diliman
- Kalookan
- Pasig-Pioneer (Shaw)
- New Panaderos (Mandaluyong)
- Manila
- Makati-Gil Puyat
- Alabang
- Naga
- Dagupan
- Baguio
- Ilagan
- Bacoor
- Biñan
- Cebu
- Tacloban
- Iloilo
- Cagayan de Oro
- Davao
- General Santos
- Zamboanga
Gaano katagal para maaprubahan ang Pension Loan?
Malalaman niyo sa araw ng inyong application kung kayo ay qualified sa Pension Loan Program. Ang Pension Loan application ay ipo-proseso sa araw ng pag-submit ng aplikasyon ng pensyonado. Ito naman ay matatanggap niya sa kanyang CashCard o Quick Card sa loob ng limang (5) araw mula sa araw na ito’y aprubahan ng SSS.
Paano ko makukuha ang aking loan
Ang inyong Loan ay matatanggap sa inyong CashCard o Quick Card sa loob ng limang araw mula sa araw na na-aprubahan ng SSS ang inyong Pension Loan application. May bayad ang QuickCard o Cash Card depende sa bangko na inyong napili. Ito ay ibabawas ng bangko sa loan proceeds ng pensionerborrower. Ang UBP QuickCard ay nagkakahalaga ng P25.00 kada card.
Hindi po gagamit ng tseke sa Pension Loan Program dahil sa cash card ay maaaring ma-encash ito sa loob lamang ng limang (5) araw kumpara sa tseke na isa hanggang dalawang linggo pa bago matanggap ng pensyonado.
Anong mga bangko pwede mag-apply ng CashCard o Quick Card na gagamitin sa Pension Loan?
Sa ngayon, ang Union Bank of the Philippines (UBP) ang katuwang ng SSS sa pagpapatupad ng PLP. Ngunit ongoing na ang testing ng system ng Development Bank of the Philippines (DBP) at Landbank of the Philippines (LBP) para sa PLP ng SSS.
Paano at kailan magsisimulang magbayad ang pensioner-borrower sa kanyang loan?
- Magsisimula ang pagbabayad ng PLP sa ikalawang (2) buwan pagkatapos maaprubahan ang pension loan.
- Halimbawa, naaprubahan ang loan sa buwan ng September 2018, ang unang buwanang bayad ay ikakaltas sa buwanang pensyon sa November 2018.
Kailan maaring mag-renew ng SSS Pension Loan?
Maaaring makapag-apply uli ng pension loan ang SSS Pensioner kapag nabayaran na niya ng buo ang kanyang kasalukuyang utang. Hindi rin po maaring ipatigil ang pagkaltas ng SSS Pension kung hindi pa nababayaran ng buo ang utang.
Kung ang pensioner ba ay namatay na, ikakaltas ba ang balanse ng pension loan sa kanyang funeral at death benefits?
Hindi po. Ang pensioner-borrowers ay sakop ng Credit Life Insurance (CLI) na magbibigay garantiya sa pagbabayad ng loan kung sakaling mamatay ang borrower bago matapos ang pagbabayad ng kanyang loan. Sa CLI, hindi mangangamba ang mga mahal sa buhay ng pensioner na ibawas sa kanilang funeral at death benefit ang balanse sa PLP.