SUPPORT

10 Quick Facts about SSS Salary Loan (Tagalog)

Isa sa programa ng SSS ang Salary Loan na malaking tulong sa ating mga kapwa SSS members na nagigipit o nagkakaron ng pangangailangan. Narito ang sagot sa madalas na tinatanong patungkol sa SSS Salary Loan na ibinahagi ng kapwa SSS member sa SSS Members Facebook Group.

10 Quick Facts about SSS Salary Loan

    1. Kailan ako pwede mag-loan?

      1 Month Salary Loan – 36 buwan na hulog at may 6 updated contribution sa loob taon bago magloan.
      2 Month Salary Loan – 72 buwan na hulog at may 6 updated contribution sa loob taon bago magloan.

      Example: Kung ikaw ay mag-aapply ng loan ng April 2019, dapat may atleast 6 na buwang hulog ka mula April 2018 hanggang March 2019

    2. Magkano ang aking pwede mai-loan?

      Naka base sa Monthly Salary Credit  ng last six(6) posted contribution mo ang iyong magiging loanable amount.

      Example:
      Ang iyong contribution last 6 months ay  Php1760 at ang MSC nito ay Php16000 base sa SSS 2018 Contributions Table.

      Ang lonable amount mo ay:
      1month Salary Loan = Php16,000
      2months Salary Loan = Php32,000

      Kung ikaw naman ay dating employed at may hulog ng Php1,760 kada buwan at ipinagpatuloy mo ang paghuhulog sa SSS bilang voluntary member. Kung naghulog ka ng P110 lamang sa loob ng anim na buwan at ikaw ay nagloan, ang magiging loanable amount mo lamang ay Php1,000.

    3. Kelan ako pwede mag-renew ng Loan?

      After one year ng first monthly amortization at nakakalahati ka na sa iyong loan amount.

      Example:
      Na-approve ang loan mo ng Jan 1, 2018 at ang loan amount mo ay P16,000. Ang first monthly amortization o payment nito ay March 2019. Makakapag renew ka ng iyong loan sa March 1, 2019 provided na ang loan balance mo ay P8,000 na lamang o pababa.

      Kahit nabayaran mo na ng buo ang iyong loan ngunit wala pang one year mula sa iyong loan first amortization mo ay hindi ka pa pwedeng mag-renew ng iyong Loan.

    4. Gaano katagal ang Loan Processing?

      2 – 3 weeks pero depende pa rin sa Post Office kung mabilis ma-deliver ang inyong cheke

      Note. 2-3 weeks starting the approval of SSS hindi kung kelan mo binigay sa HR (usually tumatagal din sa HR dahil nagba-batch processing o minsanan lang pumunta ang HR representative ng kumpanya sa SSS)

    5. Pwede bang mag-apply ng SSS Salary Loan kahit ako ay Voluntary o Self Employed Member?

      Oo naman. Ang benepisyo at programang available sa mga SSS Employed member ay pareho rin sa mga SSS Voluntary Members.

    6. Pwede ba mag-apply ng SSS Salary Loan online?

      Yes. Mag register ka sa SSS Website.
      Kung meron ka nang SSS Online Account, mag login ka at pumunta sa SSS Loan then submit ka ng Application. Sabihan mo ang HR mo na i-approve ang iyong SSS Loan Application gamit ang SSS Employer Account.Kung ikaw naman ay voluntary SSS Member, pwede ka din mag-apply online. Make sure na tama at updated ang iyong Mailing Address pati na ang iyong Contact Information para hindi mahirapang ideliver ang iyong cheke.

    7. Paano kung nawala/naexpired ang cheke nung natanggap ko?

      Kung nawala ang cheke, gawa ka ng Affidavit of Loss at Request Letter na ipapacancel na ang Loan. Magre-apply ka na lang.
      Kung na expire na ang cheke, i-surrender mo sa SSS ang Loan at ipa-cancel ang Loan sa SSS> Magre-apply ka na lang uli ng loan.

    8. Paano kung may mga buwan na hindi ako nakapagbayad ng aking SSS Loan?

      Ang iyong SSS Loan ay nadaragdagan ng interest at penalty kapag ito ay hindi nabayaran sa tamang araw. Kung hindi ka nakapagbayad ngayong buwan, maganda na doblehin mo ang bayad sa susunod na buwan. For example, kung ang iyong Loan Amortization ay 550.00 kada buwan, gawin mong P1,100 sa susunod na buwan ng iyong bagbabayad.

      Kung kaya mong bayaran ng mas maaga at hindi lalagpas sa deadline, mas maganda para hindi mag interest ang iyong loan.

    9. Matagal na akong di nakabayad ng aking SSS Loan? Ano po ang pwedeng gawin?

      Ang hindi nababayarang SSS Loan ay nag-aaccumulate ng interest at penalty habang tumatagal. Ang dating Php10,000 loan mo dati ay maaring maging Php50,000 na pagkaraan ng 10 taon kung hindi mo ito nabayaran.

      Ang hindi nabayarang SSS Loan ay ibabawas sa retirement benefit o death benefit ng miyembro. Kung ikaw ay hindi pa naman magre-retire, maari mong antaying ang susunod na SSS Loan Condonation program kung saan tatanggalin o iwe-waive ng SSS ang penalty ng iyong loan. Kasama sa Loan Condonation ay ang payment restructuring kung saan pwede mo bayaran ng unti-unti (up to 5 years depende sa approval ng SSS) ang iyong loan.

    10. Totoo ba na dapat magloan para lumaki ang loanable amount mo sa susunod na loan mo?

      Hindi totoo ito. Ang loanable amount mo ay nakadepende sa Monthly Salary Credit ng iyong contribution. Maaring lumaki ang iyong loanable amount kung ikaw ay qualified na sa 2 month salary loan (2x ng MSC mo) o di kaya’y lumaki na ang MSC Bracket na binabayaran mo sa SSS.

 

Bonus Information regarding SSS Loan!

  1. Totoo ba na dapat magloan para lumaki ang iyong magiging pension?

    Hindi rin totoo ito. Ang lahat ng SSS Benefit na maari mong makuha sa SSS ay nakabase sa laki at dami ng iyong Contribution.

  2. Totoo ba na ginagamit ng empleyado ng SSS ang iyong account para magloan sa SSS?

    Hindi totoo ito. Ang pag-eencash ng cheke sa bangko ay napakahirap na sa panahon ngayon. Kailangan mo ng 2 valid IDs. Kung hindi naman naka-cheke ay dapat mayroong Bank account na nakapangalan sa member. Mukhang imposible na gamitin ng empleyado ng SSS ang iyong account at matanggap nila ang loan proceeds mo.

    Pero posible ang scenario nito kung ikaw ay Employed SSS member at ang HR or Liason Officer ng inyong company ang siyang mag-loloan sa pangalan niyo dahil sila ang allowed na mag-transact in behalf of the Employees of the company. Pero napakahirap pa rin mag encash ng cheke kung hindi ikaw ang may-ari ng cheke.

    Maganda po na icheck nyo from time to time ang inyong SSS Account para makita nyo kung may oustanding loan o loan application na kayo (pero hindi naman kayo ang nag-apply).

    Kung sakaling nabiktima kayo ng ganitong pandaraya ay pumunta sa SSS at itestify na hindi ikaw ang nag-apply ng loan. Mayroong Fraud Investigation staff naman ang SSS na siyang nagiimbestiga kung sino nag-receive, sino nag-encash at iba pang detalye ng loan.

  3. Bakit may penalty ang SSS Loan, e pera naman ng miyembro iyon?

    Itinayo ang SSS para magbigay ng benepisyo sa mga SSS members at benefiaries nito. Ang mga benepisyong ito ay tulad ng Maternity Benefit, Sickness, Disability, Retirement, Funeral at Death Benefit. Ang pinaka-goal ng SSS ay magbigay ng assistance sa mga miyembro sa panahon na wala nang kakayanang magtrabaho ang miyembro dahil sa sakit, disability o katandaan.

    Ang SSS Salary Loan ay hindi benepesyo kung hindi isang programa lamang ng SSS. Katulad ng ibang loan sa bangko, cooperatives o sa bumbay ay may interest din ang loan para kumita rin ang mga nagpapa-utang.

  4. Bakit di gayahin ng SSS ang Pag-IBIG na pag di nabayaran ang loan ay ibabawas na lamang sa Contribution?

    Magkaiba po ang Policy ng SSS sa Pag-IBIG. Ang iyong contribution sa SSS ay iniinvest ng SSS para lumago at para magkaron ng pondo sa iyong benefit katulad ng Retirement, Funeral at Death Benefit. Kung ioffset lamang ang iyong loan mula sa iyong naicontribute ay mawawalan na ng pondo para sa iyong benefit.

sssinquiries_administrat0r

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

2 weeks ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

5 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

5 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

5 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

8 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

8 months ago