DEATH

How to submit SSS Death Benefit Claim online?

Good news! An Online Facility for filing SSS Death claim is now available in SSS Website.


Ang online filing ng SSS Death benefit claims sa pamamagitan ng My.SSS portal ay para lamang sa kwalipikadong DEPENDENT LEGAL SPOUSE ng namatay na miyembro na:

  1. Hindi nag asawang muli
  2. Hind nag cohabit o kasamang nanirahan ang isang taong hindi niya asawa
  3. Hindi pumasok sa isang “live-in” relationship bago o pagkatapos ng pagkamatay ng asawang miyembro.

Hindi maaring gamitin ang SSS Death Benefit Online facility kung:

  1. Kung ang namatay na miyembro ay may outstanding loan balance sa ilalim ng Stock Investment Loan Program (SILP) / Privatization Loan Program/ Educational Loan/ Vocational Technology Program.
  2. Kung ang claimant ay may kapansanan, nasa pangangalaga ng isang guardian o naka confine sa isang institution gaya ng penitentiary, correctional institution, o rehabilitation center.
  3. Kung ang claim ay sa ilalim ng Portability Law or Bilateral Social Security Agreements.
  4. Kung hindi available o late registration ang death certificate mula sa Local Civil Registrar (LCR) o Philippine Statistics Authority (PSA).

How to File SSS Death Benefit Claim Online:

1. Mag login sa iyong My.SSS Member Account. I-type ang Username at password, i-tick ang box katabi ng “I’m not a robot”, pagkatapos ay i-click ang “Submit”.

2. Sa ilalim ng E-Services tab, piliin ang “Benefits”, pagkatapos ay i-click ang “Submit Death Claim application”.

3. I-click ang “Proceed”.

4. Ibigay ang lahat ng kailangang impormasyon tungkol sa namatay na miyembro. Piliin ang Death Benefit Claim Type (SS Death), pagkatapos ay i-click ang “Proceed”.

5. Kung kwalipikado naman para sa lump sum death benefit, ang tinatayang halaga nito ay makikita sa screen. Maaaring ipagpatuloy ang aplikasyon sa pamamagitan ng pag-click ng “Proceed” o maaring mag-schedule ng appointment sa SSS Branch sa pamamagitan ngpag-click sa “click here”.

Kung kwalipikado naman para sa lump sum death benefit, ang tinatayang halaga nito ay makikita sa screen. Maaring ipagpatuloy ang aplikasyon sa pamamagitan ng pag-click ng “Proceed” o maaring mag-schedule ng appointment sa SSS Branch sa pamamgitan ng pag-click sa “click here”.

6. I-click ang “OK” para magpatuloy sa online filing ng Death Benefit claim.

7. Piliin ang sagot (“Yes” or “No”) sa mga tanong na makikita sa screen at i-type ang hinihingigng “SS Number under other pension benefit”, kung mayroon, pagkatapos ay i-click ang “Proceed”.

8. Piliin mula sa dropdown menu ang Disbursement Account kung saan nais matanggap ang benepoisyo, pagkatapos ay i-click ang “Proceed”.

9. I-click ang “OK”.

10. I-upload ang JPEG o PDF File ng pagkukulang documentary requirement para sa SS Death Benefit Claim, pagkatapos ay i-click ang “Proceed”. Paalala: Limitahan sa 1MB ang documentary file size.

Kung ang claimant ay siya ring nag-file ng Funeral Benefit Claim, i-upload ang Marriage Certificate ng namatay na miyembro.

Kung ang claimant ay iba sa nag-file ng Funeral Benefit claim, i-upload ang Marriage Certificate at ang Death Certificate ng namatay na miyembro.

11. I-click ang “Certify & Proceed” para kumpirmahin ang Certification.

12. Matagumpay nang nai-submit ang Death Benefit Claim Application! I-click ang “OK” para kumpirmahan ang pagsusumite ng Death Benefit Claim Application, pagkatapos ay i-click ang “PRINT” para makapag-generate ng acknowledgement receipt na naglalaman ng detalye ng isinumiteng Death Benefit Claim.

13. I-check ang iyong email para sa notipikasyon mula sa SSS tungkol sa matagumpay na pagsusumite ng SS Death Benefit Claim.

Mahalagang paalala:

  • Ang processing time para sa Death Benefit Claims ay magsisimula sa pagtanggap ng kumpletong aplikasyon at requirements para sa Death Benefit Claim online sa pamamagitan ng My.SSS portal.
  • Ang Death Benefit ay iki-credit sa UMID card ng claimant na naka enroll bilang ATM o sa piniling disbursement account na naka enroll sa DAEM.
sssinquiries_administrat0r

View Comments

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

4 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

9 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

9 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

9 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

11 months ago

How to Enroll DBP Cash Padala thru M Lhuillier Disbursement Account

DAEM or Disbursement Account Enrollment Module is a requirement for covering pensioners and individual members…

12 months ago