CALAMITY

SSS Calamity Assistance for SSS Members affected by Typhoon Odette

Last December 2021, nakaranas ang ating mga kababayan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ng hagupit ng bagyong Odettel. Marami ang nawalan ng bahay at kabuhayan. Maraming salamat sa Philippine Social Security System at mayroong Calamity Assistance na para sa ating mga kababayan.

Calamity Assistance Program (CAP) para sa mga miyembro at pensiyonadong naapektuhan ng Typhoon Odette

Ang programang ito ay binubuo ng

  1. Calamity Loan Assistance Program (CLAP)
  2. Three month advance pension para sa SS at EC Pensioners
  3. Direct Housing Repair and/or Improvement Loan

I. SSS Calamity Loan Assistance Program (CLAP)

Ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) ay para sa SSS member-borrower na ang lugar ng tirahan ay naapektuhan ng bagyong Odette, kasama ang iba pang lugar na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at nagkaroon ng pinsala o nawalan ng ari-arian dahil sa kalamidad.

Sakop ng programa ang mga lugar na idinaklarang nasa ilalim ng State of Calamity of NDRRMC, gaya ng sumusunod:

  • Region IV B (MIMAROPA)
  • Region VI (Western Visayas)
  • Region VII (Central Visayas)
  • Region VIII (Eastern Visayas)
  • Region X (Northern Mindanao)
  • Region XIII (CARAGA)

Ang SSS member-borrower ay maaring mag apply ng CLAP Application simula Enero 14, 2022 hanggang Abril 13, 2022.

Sino ang maaring mag-avail ng CLAP?

Ang CLAP ay bukas para sa mga miyembrong:

  • Mayroog My.SSS account sa SSS website dahil online ang filing ng application para sa CLAP;
  • Mayroong 36 buwanang kontribusyon sa SSS, kung saan anim (6) sa mga ito ay nai-post sa loob ng huling 12 buwan bago ang buwan ng pagpa-file ng aplikasyon;
  • Residente (may home address o ari-arian sa lugar na nasalanta ng kalamidad) ng calamity-declared areas at nagkaroon ng pinsala o nawalan ng ari-arian;
  • Hindi pa napagkalooban ng final benefit gaya ng permanent total disability o retirement;
  • Walang outstanding loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) o mga naunang CLAP;
  • Kung employed, kailangang i-certify ng kanyang employer ang online CLAP application sa pamamagitan ng My.SSS facility.

Magkano ang halaga na maaring utangin at paano ito babayaran?

Ang loanable amount ay katumbas ng isang monthly salary credit (MSC) na kinuwenta batay sa average ng huling 12 MSC (rounded up to the nearest thousand) o ang halagang nais utangin, alinman ang mas mababa.

Ang loan ay maaring bayaran sa loob ng dalawang (2) taon sa pamamagitan ng 24 equal monthly installments, kung saan ang loan amortization ay mag uumpisa sa ikalawang buawan matapos ang petsa kung kalian na-aprubahan ang loan.

Ang deadline sa pagbabayad ng loan ay tuwing huling araw ng buwan pagkatapos ng applicable month. Kung ang deadline aya natapatan sa Sabado, Linggo o Holiday, maaring magbayad sa susunod na working day.

Magkano ang service fee, internet rate at penalty?

Service FeeWalang Service Fee
Interest Rate10% per annum hanggang bayaraan nang buo, na kinuwenta batay sa diminishing principal balance at dapat bayaran sa loob ng 24 na buwan
Pro-rate interestAgarang ibabawas mula sa loan proceeds ang pro-rated interest mula sa petsa ng paka-grant ng loan hanggang sa huling buwan bago ang unang loan amortization.
Penalty1% kada buwan – ang anumang delay sa pagbabayad sa loob ng isang buawan ay papatawan ng katumbas ng isang buwang penalty

Anumang labis na amortization payment ay ia-aapply sa outstanding principal balance ng miyembro.

Saan maaring mag-file ng CLAP application at paano ire-release ang loan proceeds?

Ang pagpa-file ng CLAP application ay sa pamamagitan ng My.SSS account ng miyembro.

Ang pag-release ng loan proceeds ay sa pamamagitan ng sumusunod:

  1. Development Bank of the Philippines (DBP) Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) Accredited/Participating Banks
  • Ang active singles savings account sa alinmang PESONet accredited bank na nasa pangalan ng miyembro ay kailangang i-enroll sa Disbursement Account (DAEM) at gamitin bilang mode of disbursement para sa CLAP Application sa pamamagitan ng pag-acces nito gamit ang My.SSS Account ng Miyembro

Related Articles:

2. Unified Multi Purpose Identification-Automated Teller Machine (UMID-ATM) Card

Kung mayroong activated UMID-ATM, ang loan proceeds ay awtomatikong iki-credit sa account ng miyembro.

3. Union Bank of the Philippines (UBP) Quick Card

Maaring i-avail ng miyembro ang UBP Quick Card mula sa UBP Kiosk sa piling SSS Branches. Ang account number ng UBP Quick Card ay kailangang ienroll sa DAEM gamit ang My.SSS Account ni miyembro.

Mga dapat tandan bago mag-apply ng CLAP:

  • Kailangang mabayaran nang buo ang calamity loan bago muling makapag-avail ng anumang SSS Calamity Loan ang miyembro sa hinaharap
  • Anumang overpayment sa nakaraang loan ay sasailalim sa validation ng SSS, at kung balido, ay ia-apply sa aktibong loan, ang halaga ng overpayment ay maaring mai-refund sa member-borrower.
  • Magreresulta sa loan default kungmay aggregate unpaid obligation ang miyembro na katumbas ng higit sa anim na monthly amortizations. Ang kabuuang balance ng isang defaulted loan ay magigign due at demandable, at ang defaulter account ay mapapatawan ng 10% interest sa outstanding principal balance kada taon at 1% penalty kada buwan sa hindi pa ganap na bayad na principal at interest.

II. Three Month Advance Pension para sa SS at EC Pensioners

Sakop ng programa ang lahat ng existing SS retiree, disability at surviving pensioners at EC disability at surviving pensioners na nakatira sa idineklarang calamity areas ng NDRRMC.

  • Ang SS at EC pensioners na nakatira sa idineklarang calamity areas ng NDRRMC ay maaring mag-apply para sa three-month advance pension mula Enero 14, 2022 hanggang Abril 13, 2022.
  • Ang mga SS at EC partial disability pensioner naman ay maaring mag-apply para sa advance pension para sa natititrang buwan ng kanilang partial disability pension na hindi lamapas sa three-month period.
  • Ang SS at EC Pensioners na nakakuha ng ng advance pension para sa mga nagdaang kalamidad at nanatiling suspendido ang buwanang pension ay maaring mag-avail ng three-month advance pension para sa Severe Typhoon Odette basta’t hindi lalampas sa tatlong buwan ang kabuuang advance pension.
  • Kwalipikado ring mag-apply para sa three-month advance pension ang mga SSS retiree pensioner na walang kasalukuyang loan sa ilalim ng Pension Loan Program (PLP).

Paano at saan maaring mag-apply ng Three Month Advance Pension para sa SS at EC Pensioners?

Ang pensiyonado ay kailangang magsumite sa alinmang SSS branch ng pinunuang Application for Assistance Due to Calamity/Disaster na sinertipika ng Barangay Chairman. Sakaling ang Part II ng form ay hindi napunuan, kailangang magsumite ng sertipikasyon mula sa sumusunod:

  • Department of Social Welfare and Development (DSWD)
  • NDRRMC

Ang mage-generate na benefit checks ay ipapadala sa SSS Branch kung saan nag-file ng aplikasyon ang pensiyonado. Papayagan ang personl release ng tseke sa loob ng 10 working days mula sa pagkakatanggap ng branch, kung makakapagpa kita ng kinakailangang dokumento. Kung hindi, ipapadala na lamang ang tseke sa mailing address ng pensiyonado.

III. Direct House Repair and/or Home Improvement Loan

Sakop ng programa ang mga empleyado, self-employed, voluntary, at OFW member na nakatira sa mga apektadong lugar na idineklara ng NDRRMC at may bahay na nasira dulot ng Bagyong Odette. Ito ay bukas para sa mga miyembrong:

  • Mayroong 24 buwanang kontribusyon sa SSS, kung saan tatlo (3) sa mag ito ay nai-post sa loob ng huling 12 buwan bago ang buwan ngpagpa-file ng aplikasyon;
  • May edad na hindi hihigit sa 60 taong gulang sa panahon ng pagpa-file ng aplikasyon;
  • Hindi pa napagkalooban ng mga naunang SSS House Repair and/or Improvement Loan;
  • Hindi pa napagkalooban ng final benefit at hindi pa nakatanggap ng refund sa SSS contributions.
  • Nasa tamang oras ang pababayad ng iba pang existing SSS Loan/s, gayundin ang asawa ng miyembro (kung mayroon).

Maaring makautang ang eligible applicants nang hanggang isang milyong piso (Php 1,000,000) na sasailalim sa repricing kada limang taon. Ang availment period ay simula Enero 14, 2022 hanggang Enero 13, 2023.

Service FeeWalang Service Fee
Interest RateHalagan ng LoanInterest Rate
Hanggang Php450,000.008% p.a
Higit sa P450,000.00 hanggang 1M9% p.a
PenaltyPapatawan ng penalty na 1.5% ng amount due para sa bawat buwan ng delayhanggang sa mabayaran ng buo.

Maaring mag-file ng aplikasyon sa sumusunod:

Para sa mga miyembrong nasa NCRMember Loans Department SSS Main Office
Para sa mga miyembrong nasa labas ng NCRHousing and Acquired Asset Management Section/Team San Pablo in Southern LuzonCebu in Central VisayasBacolod in Western VisayasDavao in Southern Mindanao Cagayan de Oro in Northern MindanaoZamboanga in Western Mindanao

PAALALA: Ang loan ay maaring kanselahin ng SSS kung hindi ia-avail sa loob ng anim na buwan kasunod ngpetsa ng pagkatanggap ng notice of loan approval. Anumang hindi naibigay na halagay ay maaring maforfeit at kapag hindi nakumpleto ang repair at/o improvement, maari itong magresulta sa pagkaremata.

Para sa kabuuoang detalye tungkol sa Calamity Assistance ng SSS para sa mga biktima ng Bagyong Odette, basahin ang Circular sa pamamagitan ng link na ito: SSS Calamity Assistance Program for Odette

sssinquiries_administrat0r

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

6 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

10 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

10 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

11 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

1 year ago