Social Security Act of 2018

Benefits of the new Social Security Act of 2018

Ano ba ang mga bago sa Social Security Act of 2018?

Social Security Act 2018

Subscribe and be updated with SSS Related News and Articles

* indicates required

✅ New Contribution rate and Monthly Salary Credit

Magkakaroon ng unti-unting pagtaas ng kontribusyon upang lalong mapatatag ang pondo ng SSS. Simula April 2019, implemented na ang New Contribution Schedule. Sa mas malaking ipon, mas malaki rin ang benepisyo!

Narito ang bagong Schedule of Contribution: https://www.facebook.com/notes/philippine-social-security-system/see-the-updated-table-of-contributions/10157029365289801/

✅ Mandatory OFW Coverage

Protektado na ang ating mga kababayang OFW! Kahit malayo sila, walang kaba dahil may SSS na maaasahan sa oras ng pangangailangan.

✅ Unemployment/Involuntary Separation Benefit

Kung biglaang nawalan ng hanapbuhay dahil sa retrenchment o pagsasara ng pinapasukan, maaaring mag-apply ng benefit na ito. Ito ay pansamantalang pamalit-kita sa loob ng dalawang (2) buwan habang naghahanap muli ng trabaho ang miyembro.

✅ Contribution Penalty Condonation Program

Magkakaroon ng penalty condonation para sa mga employer na may hindi nabayarang kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Tinatayang nasa 1.4M na private employee workers ang makikinabang dito!

Maaaring mag-apply dito ang mga delinquent employers hanggang September 6, 2019!

✅ Abangan din ang Housing Loan Condonation soon!

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring basahin ang SS Act of 2018 dito: https://bit.ly/2Se2FoI