FUNERAL

10 Pointers para ma-Sulit ang inyong SSS Membership!

Isang kampanya ng SSS ay ang #SulitSaSSS kung saan pinapalawig nila ang kalaman tungkol sa SSS Membership at Benefits. Binahagi ng ating ka SSS Inquiries ang isang article mula sa Facebook kung saan sinagot ng SSS ang kadalasang tanong at reklamo ng SSS members na natatanggap sa kanilang Member Communication and Assistance Department. Narito ang mga Pointers at maikling explanation kung paano masusulit ang ating SS Membership.

 

1. Ikaw ba ay may multiple Social Security (SS) number?

Kung ikaw ay mayroong SSS Number na higit sa isa (sinasadya man ito o hindi), ikaw ay magpunta sa SSS Branch para ipa-cancel ang iyong ibang SSS NUmber. Bago kanselahin ito ng SSS, sisiguraduhin muna ng SSS na ang SSS Number na iyon ay sa iyo at hindi sa ibang tao. Pag naconfirm ito ay pagsasamahin ang iyong records katulad ng iyong Contributions, Loans sa iisang SS Number na lamang. Ang retained SS Number na lamang ang iyong gagamitin hangga’t ikaw ay magretire.

Related Articles

2. Paano pag di niremit ng aking Employer ang aking SSS loan payment?

Kung ang iyong SSS employer ay hindi ni-remit ang dineduct na SSS Loan payments, ikaw ay maaring magreport sa SSS Branch at gumawa ng Sinumpaang Salaysay para magfile ng formal complaint laban sa iyong employer.

Kung ang iyong SSS Loan payment ay nabayaran ngunit hindi napost sa SSS system, ikaw ay maaring manghingi ng Salary Loan Collection List sa iyong employer bilang isang katunaya na ang iyong SSS Loan payment ay nakaltas sa iyong suweldo at naremit sa SSS. Ang katunayang ito ay dapat isumite sa SSS para sa posting ng iyong loan payment.

3. Paano pag di niremit ng aking Employer ang aking SSS contribution?

May karamptang civil at criminal liabilities ang iyong Employer dahil sa hindi pagre-remit ng iyong SSS Contribution. Nakasaad sa RA 8282, ang employer ay magbabayad ng P5,000 hanggang P20,000 na may kasamang 6 1/2 to 12 na taong pagkakakulong kung hindi nila niremit ang iyong contribution. Bukod pa dito, ang employer ay dapat bayaran ang benepsyo ng mga namatay, naging disabled, nagkasakit o nagretire na empleyado sa SSS at bayaran ang lahat ng hindi nabayarang contribution kasama ang penalty na 3% kada buwan.

4. Paano pag ayaw pumayag ng aking Employer na ideduct ang aking SSS Premium mula sa aking sahod?

Ang hindi pagdeduct ng iyong SSS Premium mula sa iyong salary at ang hindi pagbabayad ng Employer ng inyong SSS Premium ay isang violation sa RA 8282 dahil ito ay itinalaga ng batas na ang SSS contribution ay dapat bayaran ng Emplooyer (70 percent) at Employee (30 percent). Obligasyon ng Employer na kayo ay ireport sa loob ng 30 days mula sa unang buwan ng iyong Employment at iremit ang inyong SSS contribution kada buwan.

5. Ano ang epekto ng hindi pagrereport ng Employer ng kanyang mga empleyado sa SSS?

Ang hindi pagreport ng Employer sa kanyang mga empleyado sa SSS ay maaring maging sanhi ng pagka delay ng SSS benefits ng mga empleyado. Kaya hinihikayat ng SSS na ireport ang mga Employer na hindi naghuhulog ng SSS contribution at loans ng kaniyang mga empleyado upang mabisita ng SSS ang inyong opisina at kausapin ang Employer. Ang mga empleyado na inireport as covered employee ng isang Employer ay entitled na makatanggap ng Employee’s Compensation (EC) benefits kung saan makakatanggap ng cash benefit (bukod pa sa SS Benefits) ang empleyado kung sakaling magkaron ng sakit, injury o pagkamatay sanhi ng trabaho.

6. Paano maiwasan ang discrepancy sa aking SSS records?

Sa pag aapply pa lamang ng SSS Number, siguraduhn na ang lahat ng impormasyon ay tama at nakaayon sa iyong SSS Records (NSO/LCR na kopya ng inyong birth certificate, baptismal certificate, passport o driver’s license).

Kung may nakita kang discrepancy sa iyong SSS record, pumunta sa SSS Branch at mag fill up ng Member Data Change Request Form (SSS E-4) kasama ang supporting documents na nagpapatunay ng tamang information.

Ang maling impormasyon sa inyong SSS record ay maaring magpa delay ng inyong SSS Benefit claim applications.

Hinihikayat din na magregister sa My.SSS ang miyembro para personal nyang makita ang kanyang SSS records sa SSS Website.

7. Sino ang karapatdapat na beneficiary ng SSS Death Claim kung ang namatay na SSS Member ay nagpakasal ng maraming beses o maraming asawa?

Kung ang namatay na SSS Member ay nagkaron ng maraming asawa, ang death benefit ay ibibigay sa legal na asawa, at minor dependents:
Sinusunod ng SSS ang order of preference sa SSS Beneficiaries. Ang order of preference ay:

  • Primary Beneficiaries- Legal na asawa at legitimate at illegitimate minor na anak ng namatay na SSS Member
  • Secondary Beneficiaries- magulang ng namtay na SSS Member
  • Designated Beneficiaries-dineklarang beneficiaries ng namatay na SSS Member sa kanyang  SSS Form E-1 and E-4
  • Legal Heirs- kasama rito ang relatives ng namatay na SSS Member

8. Sino ang nararapat makatanggap ng SSS Death Benefit? Ang legal bang asawa o ang pinaka batang kapatid ng namatay na miyembro na kanyang itinalagay bilang beneficiary?

Ang SSS ay may sinusundang order of preference ng mga beneficiary ng bawat SSS Member – (1) primary beneficiaries, (2) secondary beneficiaries, (3) designated beneficiaries and (4) legal heirs. Ang naiwang asaswa ng namatay na SSS member ay primary beneficiary samantalang ang nakababatang kapatid naman ay isang designated beneficiary. Ibibigay ng SSS ang benefit sa primary beneficiary partikular sa legal na asawa at minor legitimate, illegitimate na anak ng miyembro, kung mayroon man. Kung walang primary, secondary beneficiary ang namatay na SSS member, saka lamang magiging qualified ang designated beneficary sa Death Benefit.

9. Common misconceptions ng mga SSS members na nagta-trabaho nakatira abroad

Maraming OFW ang naniniwala na ang kanilang SSS membership ay mababalewala na kapag sila ay nagtrabaho o nanirahan abroad kaya tinitigil na nila ang paghuhulog ng kanilang contribution. Ang SSS Membership ay lifetime privilege at hinihikayat ang bawat SSS Member na nasa ibang bansa na patuloy na maghulog ng contribution sa accredited foreign remittance centers o sa pamamagitan ng kanilang mga pamilya na nakatira sa Pilipinas para maqualify sa maraming benepisyo na maaring makuha sa SSS katulad ng SSS Retirement Pension.

Para matulungan ang mga OFW na palakihin ang kanilang savings at makapag invest sa protektadong Investment schemes, ang SSS ay may programang SSS Flexi-fund na isang voluntary provident fund para sa mga OFW.

10. Ano ang dapat gawin kung wala akong birth certificate o baptismal record?

Ang SSS Number applicant ay bibigyan ng temporary SS Number kung wala silang napakitang birth o baptismal certificate. Maaring gamiting ang Temporary SS Number upang magpayad ng SSS Contribution. Subalit, hindi papayagang makapag avail ng SSS benefits at privileges hanggang ang SS Number ay temporary pa. Para maging permanent ang SSS Number ay dapat mag sumite ng primary o secondary documents na nire-require ng SSS.

Kung wala talagang makuhang Baptismal o Birth Record, Ang SSS Member ay dapat pumunta sa National Archives Office sa Maynila, o National Statistics Office (NSO) o Local Civil Registry (para sa birth certificate) o Parish church (para sa baptismal certificate) para manghingi ng certification of non availability of documents o certification of negative results. Ipasa ito sa SSS kasama ang secondary documents katulad ng PRC, seaman’s book, passport, school records, transcript o iba pang valid Identification Cards (IDs).

Nawa’y makatulong ang mga pointers na ito upang masulit natin ang ating SSS Membership at Benefits!

sssinquiries_administrat0r

Recent Posts

SSS Pension Booster – Frequently Asked Questions

MySSS Pension Booster is a provident fund/savings program composed of two (2) retirement savings schemes…

6 months ago

How to Print your SSS Employment History on SSS Website – 2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Employment History print out? Here's an…

10 months ago

How to Print your SSS Contributions from SSS Website -2024

Is your employer requiring you to submit your SSS Contribution print out? Or you just…

10 months ago

How to Check your Estimated SSS Pension based on your Contribution and Age?

Did you know that SSS has a pension calculator on their website? If you are…

11 months ago

Advantages of SSS Pension Loan Program (PLP)

If you're a SSS senior or retiree pensioner that has struggles with money and needed…

1 year ago